Chapter 37:

1 0 0
                                    

Chapter 37:

"doc! anong nangyari sa kanya???" mangiyak-ngiyak kong sabi

"are you the relative of the patient??" tanong ng doctor.

Panong nangyari na andito si Pao sa ospital? eh ang sabi nito ay may importante itong inaasikaso??

Kung di pa ako tinawagan ni Jess kanina ay di ko pa malalaman..

"yes doc! im his girlfriend!" humahagulgol na ako kakaiyak.

"lyka.. calm down..." alo naman sa kanya ni Jess.

"no! i cant! pano ako kakalma gayong nakadextrose siya dyan at walang malay Jess!"

Tumahimik lang si Jess pero inaalo padin siya.

"doc ano po ba nangyari sa pasyente?" tanong ni Shella.

"ayun sa mga rumesponde sa kanya, naaksidente siya habang nagda-drive. Overspeeding kasi kaya ayun nawalan na ng kontrol yung kotse niya at sumalpok siya sa poste. Wala naman nadamay sa aksidente pero madami siyang natamong sugat."

"pero okay naman ba siya doc? magigising ba naman siya?"  si Roseanne.

"hmmm iyon na nga ang kinakabahala namin, may natamo kasi siyang ilang sugat sa ulo. Ang kinakatakot ko lang ay baka na-damage ulo niya at magka-amnesia siya.."

Lahat kami ay di makapaniwala sa sinabi ng doctor. Umalis na ito sa kwarto kung saan nandoon si Pao at nakaratay. Mas lalo akong umiyak at nilapitan ko si Pao.

"babe.... sorry.. sorry.. please wake up."
Niyakap ko lang si Pao at umiiyak ako. Madaming aparato din nakakabit sa kanya at ang katawan nito ay parang walang buhay.

Di ko siyang makaya na makitang ganun. Ni sa isip ko di ko akalain na mangyayari iyon sa kanya. Kaya lumabas ako ng kwarto at tumakbo kahit di ko alam kung saan ako pupunta.

"lyka!!!"

"lyka!!"

Panay takbo ko at di ko sila pinapansin hanggang sa makarating ako sa labas. Nakita kong sumunod pala sa akin si Shella at Roseanne.

"ano bang ginagawa mo Lyka?! bakit ka nalang umalis doon sa loob?" si Shella. Pare-pareho kaming hini-hingal pero di padin napapawi ang pag-iyak ko.

"shell.. Rose.. di ko kayang makitang ganun si Pao.."

"pero kaylangan ka niya ngayon sa tabi niya! di ka dapat panghinaan ng loob!" si Roseanne.

"di ko kaya rose... bakit ganun?? kaylangan pa bang mangyari ito para malaman kong mahal na mahal kong talaga si Pao? Bakit??" Mas umiyak ako lalo at niyakap ko si Roseanne.

"Lyka.. di mo naman kasalanan kung ngayon mo lang nakumpirma sa sarili mong mahal mo si Pao eh. aksidente lang iyong nangyari sa kanya..." si shell

"think positive okay?? gigising si Pao. tapos saka mo sabihin sa kanya na mahal na mahal mo siya." si shella

Agad naman ako tumango at niyakap nila ako pareho.

Nung nahimasmasan na ako sa kakaiyak, ay agad akong bumalik sa loob at nakita kong nandoon ang pamilya ni Pao. Ang mama at papa nito. May mga kasamang bodyguards pero nasa gilid lang. Andoon din sila Jaypee Chan, Jas, Veron, Jessie na nakaupo sa gilid.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon