Chapter 21:

3 0 0
                                    

Chapter 21:

Lyka's POV

"San ba tayo pupunta Pao?" Tanong niya dito. Naglalakad kasi siya at nakapiring ang mga mata niya ng panyo nito.

In fairness uh ang bango ng panyo ni Pao. oh em gee. Hehe

Pagkatapos kasi ng exams nila nung first day ay sinundo na siya ni Pao. Well palagi naman simula nung nanliligaw na ito sa kanya. Ayaw niya pa nga sana eh pero sabi lang nito pumayag na siya. Eh di pumayag na ako. Haha

"Matagal pa ba??" Sa totoo lang naiinip na siya. Saan ba kasi siya dadalhin ni Pao? Di kaya........

"No! No way!" Bigla niyang naisigaw. Agad siyang pumiglas kay Pao at tinanggal ang piring sa mata.

Nagulat pa iton sa ginawa niya at may pilit na tinatakpan sa harapan niya pero huli na kasi nakita niya na iyon.

May kubo siyang nakita, maliit na kubo. Para na ngang tent e. Tapos may pagkain dun madami karamihan mga paborito niya pa. Well hindi siya masyadong pamilyar sa lugar para kasing bago sa kanya eh.

Pero nung bandang huli ay na-realize niya na. Ito yung bahay nila Pao! Kung saan madalas kami naglalaro nila Jaypee nung mga bata kami.

Humarap siya dito at ngumiti naman sa kanya si Pao. "You remember this place??"

Tumango siya at ngumiti. Paano di niya matatandaan, eh ang dami nilang memories noong bata pa sila. Madalas dito sila naglalaro buong maghapon at di din natatapos ang araw na di siya napapaiyak ni Pao.

"Bakit dito tayo nagpunta? Akala ko ba kakain tayo??"

"Well ito ang pinaka-memorable na lugar para sa akin.. kasi dito tayo nagkakilala eh." Ngumiti ito tapos umupo sa may sofa bed na andun.

Mas lalo gumanda ang lugar na iyon dati yung simpleng tent lang meron dun tapos wala na. Ngayon may tent na, sofa bed pa saka mga bulaklak. Oh how she love roses.

"Ikaw nagtanim nito??" Tanong niya habang nililibot niya ang gilid ng rooftop na puro bulaklak.

"Yeah. Tinanim ko yan. Di ba yan gusto mo bulaklak."

"Oo naman. Lagi nga akong may dalang bulaklak dati pag naglalaro tayo tapos bigla mo nalang aagawin sakin tapos sisirain at tatapakan. Sobrang iyak ko nun dati." Natatawa pa niyang sabi.

"Hahaha oo nga eh. Tapos naalala ko pa dati eh nung naghahabulan kayo ni Jaypee Chan pinatid kita. Hahahaha"

Sinamaan niya naman ito ng tingin. "Yun yung araw na sinabi kong di na talaga kita papansinin kasi lagi mo akong inaaway noon kahit wala akong ginagawa sayo. Kainis ka kaya non." Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa bed saka humiga.

Ginaya din nito ang ginawa niya. "Pero yung araw din na yun na-realize ko na gusto kita. Kung bakit lagi kitang inaaway, pinapaiyak kasi gusto ko ako naman bigyan mo ng atensyon kasi lagi ka kay Jaypee Chan nakatutok..."

Tiningnan niya naman si Pao nakatingin ito sa langit bakas sa mukha nito ang pagkalungkot nung sinabi niya iyon.

"Kahit nga nung highschool na tayo di mo padin ako natandaan e"

"Sorry uh.. masyado kasi akong busy nun kay Jaypee Chan. Hehe ewan ko ba." Natatawa niya ding sagot.

"Ayos lang Lyka. Di naman ako nagsasawang magpapansin sayo para makuha ko atensyon mo di ba?" Nakangiting sabi nito na tumagilid sa kanya.

Nagulat pa siya nung una pero ngumiti na din siya. May kinuha ito sa bulsa inilabas nito ang isang dog tag na may puso na naka-drawing.

"Hala...... kay Jaypee Chan yan......"

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon