Chapter 12:
"oh Lyka i forgot to tell you na saturday sa house natin tayo gagawa uh. So be there exactly 11am okay?" Sabi sa kanya ni Shella.
Sakto kasi magka-klase sila sa introduction about pyschology. Kaya ayun.
"Okay sige sabi mo eh. San ba ang sa inyo?"
"Uhmm sa may sto. Domingo lang ako. Sa may maria clara." Sagot nito na humihigop pa ng milkshake
"Ah alam ko yun malapit lang kami dun sa bandang banawe lang ako."
Panay ang ayos ni Shella sa buhok nito at inilalagay sa tainga. Di niya tuloy maiwasang ma-distract.
Natawa naman sa kanya si Shella at inayos ang earrings nito sa kabilang tainga.
"Sorry ugh mannerism ko na kasi yung ganun eh."
Natawa naman siya. Mannerism pala iyon. Weird.
"Buti inexplain mo, kasi kung hindi iisipin ko nagpapa-cute ka."
Napatingin na naman siya dito at ginagawa na naman nito ang mannerism kuno. Ako naman wala naman akong weird na mannerism.. pwera nalang pag kinakabahan ako nahihilo nalang ako bigla. Hehe
"Hahaha oo nga ganyan din akala nila lalo na pag nasa bar kami. Kaya ang daming nagpapapansin na boys." Tumayo ito at tinapon ang milkshake sa may trash can malapit sa labas ng room nila.
Kakausapin niya pa sana si Shella pero agad naman na dumating ang prof. Nila.
Discuss..... Discusss..... Discussss then quiz then recitation then activity
Ugh!! Ano ba tong course na nakuha ko?! Ang hirap!!
Akala ko madali lang psych! Grabe ang daming ginagawa!
I want to shift now!! Huhuhuhu
Ang ganda ng prof natin dude no?
Sinabi mo pa, ang sarap siguro nun **********
Hahaha naman! Kaya gusto ko ang psychology eh! Ang daming magagandang profs.
Hinabol niya ng tingin ang mga ka-klase niya na nagsilabasan. Grabe ang dami nilang reklamo at alam sa buhay. Kainis.
Tiningnan niya naman si shella na nakaupo padin at nagma-make up.
"Oh hindi ka pa ba pupunta sa next class mo?" Tanong nito sa kanya.
"Tapos na class ko. Ikaw ba?" Inayos niya na din ang bag niya.
"Hindi eh. Di ba whole day ako ngayong thurday and friday.?" Nakangiti naman nitong sagot.
"Ay oo nga pala.. o siya sa saturday itext kita pag nasa labas na ako ng bahay niyo." Pormal niyang sabi
Di niya kasi close si Shella. At di niya din alam kung magiging close niya itong babaeng ito. Unang tingin niya pa lang kasi mukhang sopistikada ito.
"Okay. Ingat Lyka." Nakangiti naman nitong sabi.
"Sige alis na ko shella." Tinanguan lang siya nito at lumabas na siya ng room.
Napatingin siya sa phone niya.
Alas kwatro na pala! Baka uwian na din nila Jaypee Chan ngayon!
Agad niya din nilagay ang phone niya sa bag. Tiningnan niya lang talaga ang oras. Hindi kasi siya nagre-relos. Ewan niya ba pero mas komportable siya pag digitize na yung sa orasan. Unlike pag titingin pa siya sa clock at titingnan niya pa yung mahaba at maiksing part ng orasan.
Dali-dali siyang tumakbo papunta sa building nila Jaypee Chan. Mga limang buildings pa kasi ang pagitan nun mula sa kanila.
Ganun siya ka-effort kay Jaypee Chan. Buti nga pumayag na ito sabay sila laging kumain eh. At least kahit papano di niya rin naiisip na sayang yung effort niya.
Kapag gusto mo, sadyain mo.
Ganun siyang tao. Pag gusto niya talaga sinasadya niyang mangyari. Di siya naniniwala sa destiny, coincidence, kasi nasa will yan. Kaya siguro nag-psychology din siya eh. Alam niya kasi na lahat ng mga bagay may paliwanag. Lalo na pag tungkol sa love.
"Lyka???"
Di niya pinansin yung tumatawag, baka isa lang yun sa mga naging classmate niya. Hehe di naman sa snobber siya pero mahalaga sa kanya ngayon ang maabutan si Jaypee Chan at makasabay ulit ito umuwi.
Nagulat pa aiya ng may humarang na motor sa harapan niya. Lalaki ang sakay ng motor, nang tinanggal na nito ang helmet.
Si Jas??!!! Unbelievable!
"Jas???"
Ngumit ito at tumayo sa harapan niya. Nakasubkit sa gilid nito ang helmet.
"Yes its me. How are you Lyka?"
Himala pinapansin na siya nito at kinakausap pa! Nakakapanibago uh.
"Uhmm im fine. Ikaw ba? Di ba sa college of arts ka? Bakit ka andito?"
He chuckled. Nagtaka naman siya kung bakit.
"Ikaw nga dapat kong tanungin dyan eh. Remember nasa college of arts ako at ngayon nakita kita sa parking lot na nagmamadaling naglalakad. Tell me may hinahabol ka ba?"
Nahiya tuloy siya. Oo nakakahiya kasi di naman sila close ni Jas. Ngayon lang siya nito kinakausap e.
"Uhmm oo! Ah hindi pala! Wala! Wala." Ayaw niyang malaman nito na hinahabol niya si Jaypee Chan para sabay sana silang umuwi.
Kainis. Sira na plano ko.
"Buti naman wala. Ihahatid na kita sa inyo....... Yun ay kung okay lang sayo?" Ngumiti ito sa kanya.
Hey Jas! Yan na ba ang girlfriend mo?!
Wow ang ganda Jas uh!
Tatahimik ka dyan pero dumada-moves ka uh!
"Mga gag0!" Narinig naman niyang sabi ni jas at tumatawa tawa pa ito.
"Ah pasensya ka na sa mga yun, mga naging close friends ko dito. You know."
"Hehe okay lang.." tipid niyang sagot.
"Hmm i dont know how to say this.. hmm i know medyo awkward kasi nung highschool di tayo magkasundo tapos ngayon pinapansin kita. Dont get me wrong Lyka i just want to be friend with you. Sana ayos lang sayo." With matching friendly smile.
Now i understand na sa kabila ng pagiging masungit ni Jas ay madami pa din nagkaka-crush dito nung highschool. What with his smile girls! Yun bang smile pala mawawala na sa huwisyo ang utak mo? Haha pero dahil loyal ako kay Jaypee kahit si Jas hindi ako matatangay.
"Okay sige. Sasabay na ako sa iyo. You insist e. " Tapos ngumiti siya.
Napa-yes naman ito na para bang nanalo sa lotto. At inalalayan pa siya nito na makasakay sa motor. First time niya kasi sasakay dun eh.
Nakaalis na ang motor nila at may isang tao doon na pahabol na tinitingnan ang nakalayo na motor ni Jas na sakay si Lyka...
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...