Chapter 16:
Kabadong kabado pa din si Lyka nung sinusuot na sa kanya ang gear na gagamitin para makapag-underwater sila. Di niya tuloy maiwasan na matawa.
"Wag mo akong tatawanan dyan Adrian!!" Inis nitong sabi.
"Kuya safe ito uh. Ayaw ko pang mamatay. Siguraduhin mong safe itong gear ko."
Napailing nalang siya. Kahit kanino talaga eh sinasabi nito ang kabaliwan nito eh. Baliw talaga.
Dahil nauna siyang matapos na masuot at maayos ang gear ay agad siyang pumailalim sa tubig. Nang malaman niya na ayos na ang gear ni Lyka agad niya itong hinila pababa. Si Loka naman nagpanic hahahaha. Epic ng mukha niya doon sarap picturan.
"Dont worry i got you" he mouthed
"Make it sure!" She also mouthed to him
Hinawakan niya ang kamay nito at iginiya. Naglalakad sila at nakakasalubong nila doon ang iba pang uri ng isda na andoon. Nakita niya naman na nawala na ang takot kay Lyka at nag-enjoy na ito sa pagu-underwater nila. Pati siya tuloy nag-enjoy din.
"Thank you sa Pao uh. Dahil sayo na-experience ko ung mag-underwater. Takot kasi ako malunod e." Nakangiting sabi ni Lyka sa kanya. Nginitian niya lang ito.
Bandang tanghali na din nang makalabas na sila sa Ocean Park.
"Oh san naman next destination natin??" Takang tanong nito
Ngumiti naman siya at isinuot ang helmet sa ulo nito saka sinuot niya ung sa kanya.
"Kakain naman tayo." Sabay kindat
Nag-drive sila papunta sa may restaurant. Nasa mall na sila noon banda.
Masaya silang kumain doon tapos nag-kwentuhan pa ng mga nangyari sa klase nila nitong college. Tapos nagawa pang isingit ni Lyka yung tungkol kay Jaypee Chan.Great. Kaya nga kami nagliliwaliw para kalimutan yung tao e. May sapak din talaga ang babaeng ito eh.
"Ay nako wag natin pag-usapan ang di kasama Lyka. Just enjoy your day without thinking on Jaypee okay? Mas mabuti pang ako nalang isipin mo kasi ako naman kasama mo ngayon eh." Nakangiti niya pang sabi
"Heh! Ikaw puro ka biro eh..." Natatawa din nitong sabi.
Kung alam mo lang lyka... Di ako nagbibiro sayo...
Pagkatapos nilang kumain ay inaya siya ni Lyka na mag-window shopping sa mall. Kahit hindi siya sanay sa ganun ay sinamahan niya nalang ito. Sana wag bumili ng kung ano-ano kasi hindi iyon kakasya sa motor niya. Hehe
Mga babae kasi hilig bumili ng kung ano-ano tapos di naman ginagamit. Hehe
"Ang sakit ng paa ko Pao..." Reklamo nito tapos umupo dun sa may upuan sa gilid.
"Ayan. Yayaya yaya ka tapos ngayon magre-reklamo ka." Sermon niya.
Napa-pout nalang ito tapos pinipilit sana nitong alisin ang heels nito.
Kaya umupo ako sa tapat niya at agad na inalis ang heels nito saka minassage-massage niya ang paa nito.
"Hmmmm"
"Yannnn okay....."
"Sige paaa.. jann"
Napatingin naman siya sa reaction ng mukha nito. Agad niyang tinigil ang pagma-massage sa paa nito.
"Its already been 3:40pm. Lets go somewhere." Sabi niya na tumingin sa relos niya.
Ngumiti naman ito at tumayo. Kumapit pa ito sa braso niya at nagpaalalay sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...