Chapter 11:

4 0 0
                                    

Chapter 11:

"Jaypee Chan! Tapos na klase mo diba?? Sabay na tayo mag-lunch?" Nakangiti niyang sabi dito.

Tiningnan lang siya nito at naglakad ulit palabas ng school.

Halos isang oras din niyang hinintay ang breaktime nila Jaypee Chan. Paano niya nalaman??

Mayroon din kasi siyang nakilala na cinvil engineering na classmate ni Jaypee Chan ka-blockmate pa nito kaya hindi na nagig mahirap sa kanya na malaman ang schedule nito.

Buti nalang may two hours oa siyang natitira bago ang susunod na klase niya. Kung papalarin talaga oh? Ang tadhana nakikiayon sa kanya ngayon.

"Jaypee sabay na tayo mag-lunch okay? San mo ba gusto kumain?" Excited na tanong niya

"Hay bahala ka nga Lyka.. kahit saan tayo kumain okay lang. One hour lang din naman ang break namin."

Ngumiti lang siya at dinala nalang ito sa isang karinderya na malapit din sa school nila. Marami ding students na kumakain dun dahil bukod sa mura na, malapit pa sa school saka masarap ang mga luto nila.

"Seriously, dito tayo kakain??" Parang nandidiri na sabi ni Jaypee sa kanya.

Natawa naman siya. Mayaman din kasi itong si Jaypee Chan e. Mga mayayaman talaga..

"Oo! Ang sarap kaya ng mga luto nila dito. Anong order mo?"

Tiningnan lang nito ang mga ulam na nakatakip sa mga lagayan ng ulam. Yung halatang nandidiri.

"Ah, ikaw na nga lang pumili ng ulam natin. Hahanap nalang ako upuan." Sabi nito na hindi naman nakapili ng ulam.

Napanguso nalang siya at hinayaan ito. Umorder nalang siya ng pagkain: dalawang rice, isang order ng adobong manok at isang order ng gatang tambakol at isang order din ng monggo. Tapos naghingi rin siya ng sabaw at tubig.

"Hmmmm!!! Di ko akalain na masasarap pala ang luto dito!"

Sa wakas ay nakita niya din ngumiti si Jaypee Chan. Mula kasi nung nalaman niyang nag-break sila ni Roseanne eh madalang niya lang ito nakitang ngumiti kaya nalulungkot din siya.

"Lagi mo akong sasamahan kumain dito okay?" Sabi ni Jaypee na tiningnan siya.

"Aba?! Oo naman no? My pleasure Jaypee Chan. Sige na kumain na tayo." Masaya niya ring sagot.

"Manang magkano po ung kinain namin??" Tanong niya sa tindera.

Sobrang sarap ng feeling kasi nakasabay niyang kumain si Jaypee Chan. Di niya rin inaasahan na masaya pala itong kasama. Kinikilig tuloy siya. Hehe

"Mga 60 pesos lang day." Sagot naman nung tindera

"Okay sige." Akmang kukuha na siya ng pera sa bag niya nang biglang nag-abot na si Jaypee Chan ng 100 sa tindera.

"Keep the change manang." Tapos ngumiti pa si Jaypee Chan

Nagulat naman yung tindera pati yung mga alalay nito pero di na agad nakapag-react kasi bigla nalang lumabas si Jaypee Chan sa tindahan.

"Bakit ikaw nagbayad nung kinain natin? Ako na dapat nagbayad eh. Kasi ako naman nag-aya.." sabi niya.

Huminto kasi sila sa may nagtitinda ng sorbetes.

"Manong pabili nga po ng ice cream sakin yung tig 15 na apa, sayo Lyka?"

Still nakangiti pa din si Jaypee Chan. Nakakapanibago. Haha

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon