Chapter 15:

3 0 0
                                    

Chapter 15:

Pao's POV

She's been like that since that day...

Nakaupo lang sa garden at nakikinig ng music. Minsan tatawa nalang ito mag-isa na parang timang. Tapos mamaya-maya bigla nalang iiyak nang walang dahilan.

Kahit kaylan talaga baliw si Lyka eh. Alam niya naman kung bakit ito nagkaka-ganyan eh. Dahil iyon kay Jaypee Chan.

Paano niya nalaman??

Ikaw ba naman araw araw mo siyang maririnig na:

Oo Jaypee Chan umiiyak ako dahil sayo. Bakit ba naman kasi ako umaasa na mapapansin mo ako nung nag-break kayo ni Roseanne??

Ayan pag naririnig niyang nagsasalita yan ng ganyan eh alam niyang umaasa pa din ito kay Jaypee Chan. Pathetic talaga ang babaeng ito kahit kaylan!

Tama! Magmo-move on nalang ako. Iyon ang matagal ko na dapat na ginagawa.

Tapos mamaya-maya ay yan na naman ang salitang maririnig ko sa kanya. Wow. Sound likes she's moving on.

Bakit kasi lyka ang tanga mo eh! Alam mo nang hindi pwede umasa ka pa din! Ang tanga tanga mo!

Tapos eto na naman maririnig ko bandang huli! Packaging shet talaga si lyka oo!

Paano ba naman hindi ko maririnig yang mga kabaliwan niyan ni Lyka. E sa garden lang naman namin siya tumatambay.

May garden kasi yung building ng College of doctors. Eh madalas pag magpapahinga ako due to stress sa mga experiments namin ay doon ako tumatambay kasi tahimik doon. NOON iyon.

Ngayon pag tumatambay siya lagi niyang naabutan si Lyka doon. Kung hindi tulala, kinakausap ang sarili tapos mamaya-maya bigla nalang kakanta ng mga sentimental songs specifically mga pang-heartbroken na kanta!

Talaga bang nababaliw pag psychology major ka?? Hahahaha dont get mad uh. Ewan ko ba. Alam ko baliw itong si Lyka pero di ko akalain na mas lalo siyang mababaliw ngayong nag-college na kami.

Gusto niya talagang matulog. Magpahinga. Kasi nga first semester palang nai-stress na siya sa mga subjects nila. Tapos ang dami pang mga colleagues niya ang nagkakandarapa sa kanya. Kainis.

"Unbreak my heart..................... say you love me again............... undo this hurt you've cause when you walk out the door and walk out of my life, uncry this tears............... I've cried so many, many nights......... ohhhhhh"

Oh please Lord! Magpapakabait na talaga ako, patigilin niyo lang sa pagkanta itong si Lyka. Parang awa niyo na!!! 😁

Pagkatapos ng kantang iyon ay kumanta na naman itonng pang-broken hearted na kanya. Before i let you go naman. Kainis! Bakit kasi puro si Jaypee Chan ang napapansin nito!

Ang dami-daming lalaki eh! Kung marunong lang siyang makiramdam malalaman niya! Kainis!

Tinanggal niya ang coat na nakatakip sa mukha niya. Yung coat kasi madalas ginagamit nila pag nage-experiment sila ng mga organs ng hayop at kung ano ano pa. Tapos may duyan din kasi siyang nilagay doon. Nilalagay niya iyon doon tuwing tatambay siya sa garden na iyon. Tinanggal niya rin ang duyan at pinulupot ito ng maayos.

Pumunta na siya sa kalagitnaan ng garden kung saan may puno at doon tumatambay si Lyka. Siya kasi bandang likod ng punong tinatambayan ni Lyka kaya di siya nakikita nito.

"Hoy lyka!"

"Huh??? Anong ginagawa mo dito???!" Mataray nitong sabi.

Ayan. I really like it pag nagtataray siya sakin ng ganyan.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon