Chapter 2:
"Okay class. I just want you to know that we have a new classmate, section Aquamarine let's welcome Mr. Paolo Adrian Parico."
Lahat kami na-curious na tiningnan ang bago naming classmate na nasa harapan at nagpapakilala.
Wow??? Ang wafu wafuu!!!!
Bakit ngayon lang kaya siya pumasok????
Ang angas ng dating niyang bago uh!!
Ang gwapo niya girl sa earrings niya sa tenga!!!!
Wala naman sa mood na tiningnan niya ang bago nilang classmates. Nakangiti ito na mukhang tuwang tuwa din sa mga narinig nito na papuri sa kanya.
Hmp! Yabang niya! Kala mo kung sino ka-gwapuhan!
"Good day classmates. Im Paolo Adrian Parico just call me Pao. I like challenges. That's all." Ngumiti ito
Tatanungin ko sana si Janine kaso paglingon ko nakita kong nagniningning ang mata nito na nakatingin kay Pao. Tapos tiningnan ko din yung iba naming classmates na girls halos mabaliw din sa kakatitig kay Pao.
Di ko naman sila masisisi. Gwapo ito. Matangkad. Malaman naman ang katawan. Matangos ang ilong. Tapos yung mata medyo singkit uh. Para siyang chinito. Plus factor pa yung labi nito na mapula pula. Sarap ikiss!
Girls!!! Akin si Pao uh!
Wow uh! Narinig kong nagsabi nun si alena! Ang most play girl sa school namin! Makaangkin kay Pao akala mo naman may aagaw! Eh di sayo na siya! Pagkasyahin mo sa bag mo uh.!
Pasimple niyang inirapan si Alena. Nasa harapan kasi ito kasama ang mga kaibigan nito na playgirl din. Binaling niya ang paningin niya kay Jaypee Chan. Nasa kaliwang side kasi siya malapit sa bintana habang ito ay naka-pwesto sa kanan bandang gitna.
Kainis! Abalang abala ito sa pakikipag-usap kay Roseanne! May pabulong-bulong pa sila sa isa't-isa! Kainis!!!
"Bes! Ang gwapo ni Pao no?" Narinig niyang bulong sa kanya ni Janine. Hinila pa nito ang buhok niya para lang bulungan siya. Isa din to eh!
Naiinis niyang inirapan ang kaibigan. Kilig na kilig ang malandi at maarte kong kaibigan!
"Ewan ko sayo bes!" Sabay ayos niya ng upo at nakita naman na napanguso ito.
Wala akong pakialam sa Pao na yan. Oo gwapo siya, kissable lips, cool. Pero sorry siya, matagal nang nakakandado ang puso ko at na kay Jaypee Chan lang ang susi! Kaya di niya ko magagawang maakit tulad ng iba naming classmates.
"Okay, Mr. Parico, if you dont mind just seat beside the chair of....."
Tiningnan pa ni Maam ang bawat isa samin. Eto na naman ang mga classmates kong babae! Ang lalandi! Di kayo gumaya sakin, faitful na, loyal pa kay Jaypee!
"Ms Roxas."
Hala???!! Apelyido ko ba iyon? Bakit sakin??
Nakita ko naman na papalapit na si Pao sa katabi kong upuan na walang nakaupo. Pangatlo ako sa likod at dun sa katabi kong upuan malapit sa bintana ay walang nakaupo.
Ayyy sayang naman...
Dapat ako nalang pinili ni maam ehh?!!!!
-AlenaAng swerte naman ni Lyka! Katabi niya si Pao. Huhuhu
Palit nalang tayo Lyka! Pleaseeee
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...