Chapter 22:

3 0 0
                                    

Chapter 22:

9:30am na.........

Ano ba yan! Bakit naman kasi kung kelan hindi maaga ang pasok ko eh saka naman ako nagbagal-bagal kumilos?! Kainis ka talaga Lyka oo!!!

Madaling-madali siyang naglalakad nang makapasok siya sa loob ng school nila. Damn it talaga! Ang layo-layo pa ng lalakarin niya papunta sa College of Pysch eh!

Lakad-takbo ang ginawa niya nang malapit na siya sa building nila. Nagulat pa siya nung may biglang humablot sa kanya at dinala siya sa likod ng building.

"Aray!!! Sino ba-"

"Oh, what's with you face Lyka??" Nakangiting bungad naman sa kanya ni Pao. Nawala tuloy lahat ng inis niya.

"Oh, pao...... bakit andito ka??" Takang tanong niya.

Great. Nagawa niya pang makipag-usap ngayon eh 30 mins. Nalang mag-uumpisa na exam nila sa major sa subject! Great!!!

Hindi na naman ito nagsalita at ngumisi pa. Kainis! Bwisit na hallucination ito! Kanina ka pang umaga uh!

Naiinis na tinulak niya si Pao at sinampal ng paglakas-lakas. Narinig niya naman sumigaw ito sabay hawak sa pisngi nito na sinampal niya

"Why did you do that??" Takang inis na tanong nito.

Nagtaka naman siya. Nagre-react na pala bigla ang hallucinations niya?? Nakakatakot...

Hinawakan niya ang pisngi nito at kinurot pa. Kaya naman lalo itong napasigaw sa ginawa niya. Hehe

"Totoo ka pala??"

"Oo!!!" Inis na inis na sabi nito.

Napatingin siya sa phone niya 10 mins. Nalang magsstart na exam nila!!!

"Sorry Pao.. akala ko hindi ka totoo eh.. sorry..." Nahihiyang sabi niya.

Ngumiti naman ito sa kanya. "It's okay.. mukhang nagulat ka ata sa ginawa ko eh. Sorry din. Nga pala mukhang malapit na magstart exams mo. I will wait you sa garden after your exams uh."

"Okay sige. Sorry ulit uh." Nakangiting sagot niya at nagmamadalung umakyat ng hagdanan. Nakita niya pa si Pao na nagba-bye sa kanya kaya nagba-bye din siya.

Roseanne's POV

"Eh!! Ayaw ko niyan!!" Inis niyang inilayo ang burger na binili ni Jaypee sa kanya.

Naiinis siya dito! Bwisit! Flirt talaga!!

"Honeyy... Ano ba yan.. pagkain yan oh..." Sagot naman nito na sinusuyo siya.

Inismiran niya lang ito at di pinansin. Naiinis kasi siya dun sa babaeng pinagbilhan nila ng burger! Papansin! Alam na ngang may girlfriend na eh nagpapapansin pa!

At mas nakakainis pa, etong si Jaypee Chan eh nakikipag-kwentuhan pa sa babaeng yun! Kainis! Kainis! Kainis!

"Ayaw ko nga niyan eh! Ilayo mo yan sakin!" Galit pa rin niyang sabi.

Napabuntong-hininga naman ito, pero nakita niyang ngumiti ito saka hinagod ang buhok nito.

"Honeyy wag ka na po magselos okay? Pati ba naman yung tindera ng burger pinagse-selosan mo pa??" Nakangiti nitong sabi.

"Selos?! Selos?! Selos your face?!!! Hindi no!! Nakakairita lang yang pakikipag-landian mo sa babaeng yun! Buti sana kung hindi mo ako kasama kanina eh!"

Natawa naman ito bigla na lalo niyang kinainis! Bwisit ka talaga Jaypee Chan kahit kelan! Maaga ako nitong tatanda sayo eh!

"Honeyy hindi naman ako nakikipaglandian sa tindera no. Nakita mo naman nag-uusap lang kami eh. Di ba narinig mo naman??"

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon