Chapter 8:
"Hayyy... Tuesday na.. ayaw ko padin pumasok.."
Totoo nagkasakit siya, pero kinakagabihan ay gumaling na din siya. Kainis. Ang lakas ng resistensya niya. Pero yung resistensya niya sa puso niyang nasaktan mukhang hindi.
"Lyka!! Bumangon ka na dyan!!" Sigaw ng mama niya
"Hmmm!!!"
Buti di na sumagot ang mama niya. Pag nasa mood kasi mama niya di ito titigil hangga't di siya lumalabas sa kwarto niya.
Simple lang pamilya nila. Di sila mayaman tulad ng ibang ka-klase na mayayaman. Di naman sila hikahos at di naman sila mayaman. Kumbaga middle class sila ganun.
"Lykaaaaaaaa!! Gumising ka naaaa! Malalate ka na sa klase mooo!!!"
"Lykaaaaa!!!!!"
"Lykaaaaaa anong orasss na oh??!!"
"Bangon naaa!!"
"Oo!!! Ito naaa!!"
Agad na siyang bumangon.
"Ano ba yan! Di dapat ako papasok eh!"
Wala na siyang nagawa kung hindi maligo at mag-ayos kasi papasok na siya sa school.
Paano ko kaya sila haharapin ulit??
Si Jaypee Chan?? Paano ko siya haharapin??
Si Roseanne kaya?? Malamang tuwang tuwa yun kasi di ako pumasok kahapon...
Ano ba tong kahihiyan na nakuha ko!! Kainis!!
Ay oo nga pala yung coat ni Pao! Ni hindi ko nalabhan kakamukmok maghapon sa kwarto!
Ay saka na yan!
Tapos lumabas na siya sa kwarto at kumain na ng almusal.
"Oh Lyka sasabay ka ba sakin? Hahatid na kita sa school mo..." Sabi ng papa niya.
"Hindi na po pa.. mauna na po kayo baka ma-late po kayo.."
"Okay sige.. malaki ka na. Kaya mo na yan. Parang kaylan lang elementary ka lang ngayon ga-graduate ka na sa Highschool!" Tuwang tuwa sabi ng papa niya.
"Ah basta anak, kung anong gusto mong kurso sabihin mo lang uh. Susuportahan ka namin.." nakangiti naman na sabi ng mama niya.
That's why i love my family. They very supportive to me. May iba kasing pamilya na imbes na suportahan ka sila pa magdo-down sayo.
Pagkatapos niya kumain agad na siya nagpaalam. Isang tricycle lang mula sa kanila then school na nila. Kaya ayos lang kahit mabagal siyang kumilos kasi di naman siya mala-late. Minsan nga pag trip niya naglalakad pa siya papasok sa school e.
Tiningnan niya ang bahay nila Jaypee Chan. Isang kanto lang kasi ng bahay nila ay bahay naman nila Jaypee ang kasunod.
Bakit ganun no? I tried so hard to make Jaypee Chann fall in love with me pero wa epek pa din. Lagi at laging ibang babae ang nakikita niya. He never noticed me.
Ginawa ko na lahat. Sinadya ko nang gawin lahat ng paraan para mapansin niya ko pero wala pa din. Gustong gusto ko siya pero anong magagawa ko kung di niya ako mapansin??
Should i give up now???
Pero sayang ang mga taon na itinuon ko sa mga panahon na gustong gusto ko siya. Di dapat ako sumuko. Hindi dapat.
Papasok na siya sa schooo nang makita niya si Jaypee Chan kasama sila Jas at Jude na kasabay nitong pumasok. Magkakatabi lang din kasi mga bahay nito.
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...