Chapter 30:
"Maraming salamat po doktora... susundin ko po yung bilin niyo para gumaling na itong tb ko." sabi ng matandang babae sa kanya.
Ngumiti naman siya at iginiya ito palabas ng tent kung saan iyon ang nagsilbing center nila sa baranggay. May kalayuan ang baranggay na iyon at madami-dami nadin silang natulungan at na-check up na may sakit.
Karamihan ng mga bata ay malnourished ang mga matatanda naman karaniwang sakit ay matinding ubo o kaya tb. Hindi pa naman sila nakaka-enkwentro ng pasyente na may mental disease. Buti nalang kahit psychology major siya ay may alam din siya sa paggagamot. Nag-aral din kasi siya ng nurse sa US.
"walang anumapan po iyon lola... basta iingatan niyo po sarili niyo kasi kayamanan niyo na din po iyong malakas at malusog na pangangatawan." sagot niya.
Binigyan naman ito ng mga kasama nilang interns ng pagkain at ibang damit at libreng gamot. Buti nalang may ganon silang medical mission.
"iyan ba si Doctora Roxas??? ang ganda niya pala sa personal no???"
"sinabi mo pa?! nako lagi kong pinapanuod ung mga cases na hina-handle niya noon sa US. ang galing niya talagang psychiatrist!"
"di lang magaling, maganda at mabait pa!"
Napangiti naman siya sa mga papuring narinig sa mga interns. Ang alam ko ang may-ari ng hospital na nag-join force para sa medical mission nila Roseanne ay sila Chavez.
ugh. i hate it when i reminisce something. .
"done?"
Agad siyang lumingon at nakita niya si Pao na naka-doctor's gown at may salamin pa. Di ko alam kung may problema ba ang paningin ko pero bagay pala sa kanya ang maging matured dahil sa salamin nito.
"yeah." Agad siyang nanumbalik sa sarili niyang diwa. Itong tao na ito ay hindi ko dapat pinupuri, he used to be that way kahit noon pa man. Kaya nga nainlove ako sa kanya at naloko niya din eh. hmp!
Agad niyang inalis ang doctor's gown niya at tinupi saka hinawakan lang. Hapon na din kasi noon at tapos na din ang medical mission nila para sa araw na iyon.
Ayon sa mga kasama nilang doctors ay madami-dami pa daw ang pupuntahan nilang bayan at baranggay sa romblon para magsagawa ng medical mission. Sana matapos na ito para magkahiwalay na ulit landas naman ni Pao.
"if you want sabay na tayo pauwi?"
"hihintayin ko nalang mga ka-team natin, baka isipin nila masyado akong pa-special."
"eh special ka naman talaga..." narinig niyang bulong nito. Inismiran niya nalang at tumulong na siya sa mga iba pang doctors doon para di na sila mag-usap pa ni Pao.
Nag-enjoy naman siya sa mga nakikilala niyang doctor na kasama sa medical mission. Si Doctor Ellie Cruz galing sa cardiology department. Si Doctor Ramen Sy ay isang doctor para sa respiratory. Si Doctor James naman ay doctor for food and nutrition department more on healthy lifestyle. Si Pao naman alam ko ay surgeon doctor siya especially sa brain. Madami pa akong nakilalang mga doctor doon at ako lang talag ang psychiatry doctor na napasama sa medical mission.
sabi nga nila bago daw iyon eh. Ngayon lang daw may kasamang psychology doctor pero okay lang din namn kasi minsan naman talaga may mga pasyente te na nagpapa-check up na problema sa pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...