Chapter 18:

4 0 0
                                    

Chapter 18:

Jas POV

Nakakatuwa lang kasi finally ay naging close na sila ni Lyka. Dahil same schedule sila kahit iba course nila ay madalas nagkakasama sila. Siyempre kasama ang mga friends nito.

Mabait naman si Jess at Veron pero ewan niya bakit di niya gusto si Shella. Ayaw niya dito. Weird.

Ngayon maaga kasing umalis si Jess dahil may appointment daw. Samantalang si Veron may isa pang class na papasukan kaya silang tatlo nalang nila Lyka at Shella ang naiwan sa may waiting shed sa college of psych.

"Lyka, umamin ka nga, boyfriend mo ba itong si Jas??" Narinig niyang bulong ni Shella.

Ayan na naman yung shella na yan. That's why i dont like her eh, masyadong ususera.

"Friend ko nga lang si Shell. Friend." Narinig niyang bulong ni Lyka sa makulet na shella-ng ito.

Wala na. Nag-uumpisa palang ako pumorma sana kay Lyka pero basted na agad. Na-friendzone na ako kaagad. Saklap men.

Pero kahit papano ayos lang. At least makakausap ko pa din siya bilang kaibigan. Siguro sapat na sakin ang ganun.

Ang aga pa para sa araw ng mga patay eh. Kasi naman itong si Lyka pinatay na agad ang nararamdaman ko sa kanya. Really she's expert on that.

Nakita niya naman ngumisi si Shella sa sagot ni Lyka. Di niya nalang pinansin iyon. Tumahimik din silang tatlo dahil si Lyka nag-umpisa nang magbasa ng libro habang si Shella ay pinasak ang earphone sa tenga nito at nakinig. Wala na tuloy siyang magawa kung hindi pasimpleng tingnan si Lyka.

Oo hawak nito ang libro na kala mo nagbabasa pero ang mga mata naman nito ay nakatulala lang. Ginawang props lang nito ang libro para akalain nagbabasa siya.

Ano ba gumugulo sa isipan ni Lyka??

Matapos nang mahabang pag-iisip ay tumayo siya at lumapit kay Lyka.

"Are you okay Lyka??"

Tumango naman ito tapos kinuha ang bag at binitbit. "I will go to comfort room Jas, Shella. I'll be right back." Sabi nito saka nagmamadaling umalis.

"Gusto mo samahan na kita?" Narinig niyang prisinta ni Shella.

Umiling naman si Lyka saka umalis.
Nagtataka naman niyang hinabol ng tingin si Lyka papalayo sa kanila na nasa waiting shed. Pagtingin niya nakita niyang nakatingin si Shella at iiling iling.

"What is that for?" Irita niyang tanong sa babae

"Your obvious." Sabi nito.

"Obvious for what??" Hindi niya kasi magets ang gusto nitong i-point out.

"Na may gusto ka sa kaibigan ko. But sorry to say na friend lang ang tingin niya sayo."

"I know it. Kaya di mo na kaylangan ipaintindi pa."

Ngumiti nalang ito at ginawa ang mannerism nito. Di nagtagal ay umalis na siya sa waiting shed. Di niya na nilingon si Shella kahit pa tinatawag siya nito.

Shella's POV

Hinabol niya ng tingin ang papalayong imahe ni Jas. Napangiti siya.

She like Jas. Kaya naman paulit ulit niyang tinatanung si Lyka kung sila ba nito o hindi. Ganun kasi siya. Gusto niya sigurado siya na walang masasagasaan pag tuluyan niyang ginusto si Jas.

Nakakapagtaka nga eh. Bakit ko nagustuhan si Jas gayong ang sungit, cold at halatang di siya nito gusto. Wala naman akong matandaan na nagkaaway kami or what. Unbelievable.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon