Chapter 6 : Everything is Possible. Deal?

10K 165 93
                                    

Secret 6

*DING DONG*

Napabalikwas ako nang marinig ko yung doorbell. Agad akong tumayo, isinara yung kurtina ng bathtub, nagtanggal ng pang itaas tapos isinuot ang bathrobe. Bakit? para kunwari nasa CR ako nung may nag doorbell at napalabas lang kasi di lumalabas yung kumag sa kwarto niya. HAH I'm so clever.

Nagulat ako pagkakita ko sa monitor kung sino ang bisita.

Nanlaki yung mata ko! Shet si Daddy!

*DING DONG*

Agad akong tumakbo papunta sa CR ni Kyler. Buti nalang talaga nalinis ko na ang mga suka niya kundi patay!

"Kyler!" pabulong na parang sigaw.

"Si daddy nandyan!" mukhang nawala naman yung hilo niya sa sinabi ko.

"Bilisan mo na diyan! U.M.A.Y.O.S ka!" sabay karipas ko ng takbo papuntang pinto..

*in hell.. ex hell* wew! Binuksan ko na yung pinto at . .emeged.

"Hey daaaaad!" salubong ko sakanya with matching yakap at halik pa.

"Bakit naka bathrobe ka lang hija? Si Kyler nandyan ba?" nag make way naman ako kay daddy para makapasok na siya sa loob. Pinaupo ko muna siya sa sofa at tumabi sakanya.

"Naliligo po kasi ako daddy eh. Napansin ko na walang nagbubukas ng pinto kaya nagmadali akong nagsuot ng robe at lumabas. Busy po ata si Kyler" wooh galing ko gumawa ng kasinungalingan. sorry po daddy T___T

"Ah ganun ba hija. Di bali mamaya mo na ituloy ang pag ligo mo pagka alis ko. Saglit lang naman ako."

"ehhhh?" sabay pout ko "saglit ka lang dito daddy?" sabay ng pag higit higit ko ng laylayan ng damit ni daddy.

Ginulo naman ni daddy yung buhok ko.

"Di ka parin talaga nagbabago princess ko. May work pa kasi si daddy. Napadaan lang ako dito para sabihin sayo ang dahilan kung bakit nandito si Kyler. Di ba gusto mong malaman yun?" Ohhh. nakalimutan ko na yun ah! Buti naalala ni daddy? Di pa pala siya ulyanin ano po? HIHI. Nagmememo plus gold ata (alam niyo un? hahaha)

Bigla namang lumabas ng kwarto niya si Kyler umakto siya na parang nagulat. WOW pwede nang pang best actor! Lumapit naman siya at nagbigay galang kay daddy.

"Pasensya na po kayo tito. Kayo po pala yung nag doorbell. Hindi po ako nakalabas agad kasi may sabon po yung buo kong katawan." natawa naman si daddy sa sinabi niya.

"Wala yun hijo. Pareho kayo ng anak ko. Buti nalang siya, di pa tuluyang naliligo. Umupo ka dito. Maguusap tayong tatlo"

Sinunod naman niya si daddy at agad na umupo. Hinawakan naman ni daddy ang kamay ko.

"Princess, kaya namin napag desisyonan ng daddy ni Kyler na dito siya mamalagi dahil sa ilang kadahilanan. Una, para turuan si Kyler na magpigil sa babae.” Tumikhim siya. “Medyo maloko kasi sa babae itong si Kyler. Siguro naman nagagawa mo iyon, hijo?" sabay tingin niya kay Kyler. Magpigil? Ah. hmmm. wala pa naman siyang ginagawa sakin so far.

"S-Syempre naman po tito. I cannot do that naman po sa anak niyo" alanganin niyang sagot. hahaha buti nga sayo pervert. pfuuu.

"Mabuti naman. Pangalawa, para matuto ka Princess na makisama sa lalaki bukod sa akin. Alam mo na, matanda na ako.. Hindi malayong--"

"DAD!" pagpuputol ko sa sinasabi ni daddy. Kung ano anong sinasabi!

"Okay nevermind that. Basta alam ko princess hanggang ngayon isip bata ka pa rin. Ikaw ang tagapagmana ng ating kumpanya, kaya dapat ngayon palang matuto kana.Baka isipin ng mga lalaki doon isip bata ka parin. And I think Kyler would be the best teacher. Kahit hindi siya isang businessman ngayon like us ng daddy niya, we know na responsible siya. So, maaasahan ba kita Kyler?" sabay baling niya ng tingin dito.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon