Chapter 12 : I can't help it.

9.7K 121 37
                                    

Secret 12

EMERALD’S POV

HAY nakakainis talaga yung hinayupak na Kyler na yun! AYUN NA EH! Moment na! Sinira pa.

Napalingon naman ako sa taong hila hila ko ngayon. HIHI. Si TimKO. Nakakaramdam talaga ako ng kakaiba sa tuwing kasama ko siya. Yung tipong lagi ko siyang gusto makita at gusto kong malaman yung kung ano ang dahilan ng mga lungkot sa mata niya. Kayo ba alam niyo? Sige kausapin ko pa readers.

Binitawan ko na yung kamay ni TimKO at lumingon sakanya.

“Sorry nahila pa kita hanggang dito.” nandito na kami ngayon sa classroom ko.

“Oka—“

“BESTFRIEEEEENDDD!” putol ni Dianna sa pagsasalita ni TimKO. “FOUND YOU!” napatakip naman siya ng bibig nang makita niya kung sino ang kasama ko.

“OMG Bestfriend don’t tell—“ agad kong tinakpan ang bibig niya. GRABE IBUBUKO PA AKO!

“HA HA S-sige Tim pasok na kami ha? Ingat nalang.“ Kinawayan ko siya. tumango nalang si TimKO saakin saka tumalikod at nagpahabol pa ng kaway.

Hinila ko na papasok ng classroom si Dianna. Halos kaladkarin ko na siya at itinulak paupo sa tabi ng upuan ko.

“Aray naman Emie!” reklamo niya sabay pout.

“Eh kasi naman muntik mo na akong ibuko sakanya!” nagets naman niya yun at agad na nagsorry. Naikwento ko na rin sakanya kung anong hirap ang dinanas ko sa Clinic. Tawa siya ng tawa habang iniimagine yung mukha ko doon. Nasabi din niya na nung marinig ng mga kalalakihan na ako yung nag aassist sa Clinic, agad silang nagpanic at nagpapasuntok pa sa kung saan para lang masabi na may masakit sakanila.

Mabuti nalang ay hindi pumasok yung prof namin sa last subject. Puro kwentuhan lang ang ginawa namin ni Dianna.

*KRIIINNNNNGG*

“Oh paano Emie? Sa susunod ko na ididiscuss sayo yung cosplay event next next week”

Cosplay event next next week?

“TEKA ANONG?—“ hindi ko na naituloy yung pagtatanong ko dahil kumaripas na ng takbo si Dianna. JUSKO ENEBE!!

---------------------------------------------

Hay grabe yung pagod ko. Naramdaman ko nalang siya pagkapasok na pagkapasok ko sa condo ko. Nakita ko si Kyler na nakaupo sa may dining table. Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan. Pero—

Hinawakan niya yung palapulsuhan ko “Kumain kana muna.”

Hinigit ko yung kamay ko at walang emosyon na tumingin sakanya. “Busog pa ako.” Kunwari nagtatampo ako sa ginawa niya. Panira kasi ng moment eh!

Kahit na gutom na gutom na talaga ako, sinabi ko nalang na busog ako kasi nga ayokong sumabay kumain sakanya! Naiinis ako dahil sa ginawa niyang eksena sa Clinic.

Tumayo si Kyler at lumapit ng sobra sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pader.

“Sigurado ka?” gamit niya yung mapang akit niyang boses. My gaddddddd~

Lumapit siya sa kaliwang tenga ko habang nakahawak yung kaliwa niyang kamay sa kanang pisngi ko  at bumulong, “Ako ang nagluto. Kakain ka ba o ikaw ang kakainin ko?”

WAAAA! Ano ba tooo!

“H-hindi nga –“ napasinghap ako nang halikan niya yung dulo ng tenga ko “—ako gutom”

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon