Chapter 27: Unexpected

6.2K 84 17
                                    

Mukang mas magiging busy ako ngayon. Tatagal ang updates ko. Suri. Either tatagal ang updates or tatapusin ko na to ng isang bagsakan. Huhubels. Magiging busy na ako sa thesis ko, nakakaiyak. Thank you sa mga nagbabasa. Umabot lang to ng 10k reads masaya nako. Haha. Alabyo!

===================================
Secret 27

 

“Dad?” bakit kaya nandito si daddy? Mukhang seryoso ang mukha niya. Pinapasok ko siya sa condo at pinaupo sa aming sofa.

“What brings you here dad?” he smiled faintly. May problema kaya siya?

“Masama bang dumalaw sa baby ko?” ngumiti ako at yumakap. Mukhang naglalambing si daddy haha namimiss ko na talaga siya. Mabuti nalang at nagkaayos na kami. Sana makabonding ko siya minsan.

“Ehhh. Ikaw talaga daddy! I miss you po.” Niyakap naman niya ako pabalik at mas mahigpit. Kinabahan ako.

“I need to tell you something.” Saka siya bumaling ng tingin kay Kyler na kauupo pa lang sa sofa sa tapat namin.

*KRINGGGGG* Napatingin kaming lahat sa cellphone kong nakapatong sa table sa gitna namin. Wow pangalawang istorbo lang? hahaha.

 
“Sagutin ko lang po.” My dad nodded at sinagot ko na ang tawag.

“Hello?”

[“Is this Miss Mimi?”] Miss Mimi? Eh si Mean oppa lang ang tumatawag sa akin non! Tinignan ko ang caller ID, cellphone nga ni oppa! ‘Di ko maipaliwanag kung bakit ako kinabahan.

“Ah, yes who’s this? Why are you using my oppa’s phone?!” dahil sa kaba ko nagawa ko tuloy siyang sigawan, paano kung nakidnap pala si oppa tapos tapos manghihingi sila ng ransom ngayon? WAA! Wala akong pera! HUHU. ‘Di kaya isa nanaman ito sa mga prank ni oppa? Jeez!

[“This is from St.Jude Hospital. Ka anu-ano niyo ho si Mr. Mark Ethan Nuie?”] saglit na huminto ang tibok ng puso ko. Maya maya’y mas lumakas ang tibok nito. Sana, sana mali ako ng iniisip.

“I’m his cousin. W-what happen?” nauutal na tanong ko.

[“We’ll explain the details here. Punta nalang po kayo.]

“O-okay” saka ko ibinaba ang tawag. Tumingin ako kay daddy at hinawakan ko siya sa kamay.

“We need to see oppa dad! He’s in the hospital right now!” halatang nagulat din si daddy at mabilis na nag nod pero agad din niyang binawi. Na parang may kailangan muna siyang gawin.

“Okay baby, mauna ka na doon. May pag uusapan lang kami ni Kyler.” I just nodded at patakbong umalis ng condo. Hindi ko na naitanong kung anong paguusapan nila at mas inuna niya pa iyon. I need to see oppa!

_____

(ST.JUDE HOSPITAL)

Nandito nanaman ako sa hospital na ito. Ang lugar kung saan ako namulat na walang boses. Ughh..Nagmamadali ako nang may bigla akong mabangga. Isang lalaking nakaitim na jacket.

*boggsssh*

“Sorry!” ngumiti siya sa akin at nag nod. Ngiting parang kilala niya ako at parang sobrang sama ng ugali niya, in short ngiting demonyo. Kinilabutan ako sa lalaking iyon! Agad na akong tumakbo papunta sa information area.

“Ah, miss saan po ang room ni Mark Ethan Nuie?” saglit na naghanap ang babae sa listahan niya.

“Second floor po ma’am, sa M201..” napatigil ako. Doon? B-bakit doon..

I slowly nodded at agad na sumakay sa elevator. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang papaakyat ang sinasakyan kong elevator. Nang huminto ito, agad akong lumabas at patakbong tinungo ang room na sinabi ng babae. Hindi maaari! Nakita ko ang isang lalaki sa labas ng kwartong M201.

“E-excuse me..” napalingon naman sa akin yung lalaki.

“Kayo ho ba si Mimi?” tumango ako at dinala niya ako sa loob ng silid na iyon.

“Wala ho kasing nagpupuntang kamag-anak niya dito kaya’t hinalungkat namin ang kanyang gamit, nakita naman ho namin ang selpon niya at numero niyo ho ang unang nakalagay kaya kayo ang tinawagan namin.”

 
“P-pero, dito ho dinadala ang m-mga p-patay ‘di po ba? B-bakit—“ napatakip ako ng bibig nang makarating kami sa tapat ng isang bangkay at tinanggal niya ang balot sa mukha nito. Biglang umagos ang mga luha ko.

“Dead on arrival ho. Yung kasama niyang babae patay na rin ho.” Nilapitan ko si oppa at hinawakan ang mukha niya.

“O-oppa?” hindi ako makapaniwala. Wala na siya. Ang lamig na ng kanyang pisngi. “oppa.. ‘wag ka namang ganyan oh!” unti-unti ko siyang niyugyog. “Oppa! OPPA!” napahagulgol ako habang ginagawa ko iyon.

“Miss, tama na ho. Labas na ho tayo.” Hinila na niya ako palabas at nakita ko doon si Kyler.  Napatakbo ako papunta sakanya at napayakap.

“S-si oppa!” niyakap niya lang ako ng mahigpit habang hinahaplos ang likod ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may mapansin akong lalaking nakatingin sa akin mula sa malayo. Tinignan ko siya, siya iyong nakabangga ko kanina. Kinilabutan nanaman ako nang ngitian niya ako. Parang tumalon ang puso ko kaya’t napatago ako sa dibdib ni Kyler.

“Anong nangyari?” tanong sa akin ni Kyler nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Umiling ako “H-hindi..ko alam” sagot ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

He patted my head “Diyan ka lang muna, pupuntahan ko lang si tito.” Tumango lang ako at umupo sa silya sa labas ng kwarto ni oppa. Natulala ako dahil hindi ako makapaniwalang wala na siya. Nagumpisa nanaman akong umiyak. Siya ang pinakamamahal kong kuya. Napayuko nalang ako at itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko.

Nagangat ako ng tingin at napatingin ako sa kanan ko nang may biglang magsalita. “FATE.” Hindi ko alam kung bakit. Pero kinilabutan ako sa pagkakasabi niya ng FATE. Kunot noo ko siyang tinitigan. “H-ha?”

 
Ngumiti nanaman siya sa akin ng nakakakilabot “Do you believe in FATE?” sabay ngisi niya.

Hindi ako nakasagot dahil bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Nanlamig ako ng todo sa paghawak niya sa akin at napatitig ako sa mga mata niya. “Be careful..” hinawi niya ang buhok ko at inipit sa may tenga ko. “or else, baka matulad ka sakanya.” He winked at me at naglahong parang bula.

“Matulad kanino?” bigla ko lang nasabi.

“Sinong kausap mo?” tanong sa akin ni Kyler nang makalapit siya at umupo sa tabi ko. Umiling iling nalang ako bilng sagot. Nakaramdam nanaman ako na parang ligtas ako sa piling niya kaya’t napayakap ako sakanya. Kinabahan ako bigla, sino kaya siya?

=============================================
VERY SHORT UPDATE.
Sorry po. Ayan lang po napiga ko sa utak ko, ginugulo po kasi ako ng thesis ko. Huhu. Hindi niyo pa kilala si FATE? HAHA lol. Guguluhin niya ba ang story na ito?

A. OO! GO LANG

B. NO!

VOTE at COMMENT NA :) ‘Di niyo kilala si FATE? Basahin niyo ang ‘Addicted To You’ ko.. Click the external link. Completed na yon, nandoon si FATE..

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon