Secret 18
Isang buwan na ang nakakalipas mula nung naging kami ni Tim. Ihhhhh. Sobrang mahal ko na talaga siya. Ganito pala ang feeling ng inlove? Sobrang saya kooooo! Walang araw na hindi ako pinasasaya ni Tim. Lagi siyang may surpresa sa akin. Kapag may umagaw sakanya sa akin hindi ko mapapatawad. Hihihi. Overly possessive girlfriend. Ohoho.
“BESTFRIEEEEEEEEND!” kyaaaaa si Diana. Ang tagal ko siyang hindi nakita nagpunta kasi siya sa probinsya dinalaw yung lolo niyang may sakit. Di ko akalaing tatagal siya ng isang buwan don. Buti hindi pa siya na drop sa mga subjects niya. Hindi ko pa nga nakukuwento sakanya yung tungkol sa amin ni Tim wahaha. Nandito kami ngayon sa may garden at nakaupo sa isang bench.
“Emie..” saka niya hinawakan yung kamay ko “A-ano tong nababalitaan kong kayo na ni Tim?” bakit bakas sa mukha niya yung takot?
“WAAAA! OO BESTFRIEND LAST MONTH PA NUNG NAWALA KA! ALAM MO BA—“
“HINDI PWEDE!” napatakip siya ng bibig sa sinabi niya at nagulat naman ako.
“A-anong ibig mong sabihin Diana? Wag mong sabihing gusto mo rin si Tim?” Saka ko hinawakan yung kamay niya at tinitigan siya sa mata “Mahal ko siya Diana.” Napakagat naman siya ng labi sa sinabi ko at humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
“B-bestfriend hindi talaga pwede. Hiwalayan mo siya!” nagtataka talaga ako sa ikinikilos niya saka ko binitawan yung kamay niya at tumayo.
“Hindi kita maintindihan.” Saka ako umiling iling. “GUSTO MO BA SIYA?” napataas yung boses ko nilingon ko siya at nakatayo ako ngayon sa harap niya.
“Trust me Emerald. Please. Hiwalayan mo na siya bago pa mahuli ang lahat.” Tumayo siya saka niya hinawakan ang kamay ko pero marahas kong inalis yon.
“HINDI TALAGA KITA MAINTINDIHAN! HINDI KA BA MASAYA PARA SA AKIN!? MAHAL KO SI TIM! MAHAL DIN NIYA K—“
“NILOLOKO KA LANG NIYA!” sabay hawak niya sa mga braso ko at niyuyugyog pa ako. “PLEASE BELIEVE ME!”
TIM’S POV
Nandito ako sa may damuhan na natatakpan ng isang puno at nagising nalang ako nang
“NILOLOKO KA LANG NIYA!”
“PLEASE BELIEVE ME!”
narinig kong sumisigaw si Diana. Napatigil ako at naupo. Pinakinggan ko sila.
So that bitch wants war.
Napangisi ako at kinuha ko ang cellphone ko. Tinignan ko ang picture namin ni Diana.
Let the show begin.
*sending image*
*sent*
*evil smile*DIANA’S POV
HINDI TALAGA PWEDENG MAGING SILA. NOOO KAILANGAN KONG ILIGTAS ANG BESTFRIEND KO.
*tootooot*
Nanlaki yung mata ni Emerald nang makita niya yung laman ng textmessage at matalim na tumingin sa akin. Masama ang kutob ko sa mga tingin niya.
Iniharap niya sa akin yung cellphone niya para makita yung kaninang tinitignan niya at nanlaki yung mata ko. Yung picture namin ni Tim! SHET YUNG SET-UP! HAYOP KA TALAGA TIM!
“Bestfriend! Let me exp—“
Ahhh shit. Ang sakit! nahawakan ko nalang yung pisngi ko na sinampal niya.
“Kaya ba? Kaya ba gusto mong makipaghiwalay ako kay Tim? HA DIANA!? ANO TO? HA!” nagumpisa nang umiyak si Emerald. Hindi niya ako maiintindihan. Nabubulag na siya ngayon sa galit at sa mga ipinakita ni Tim.
“Please hayaan mo akong magpaliwanag.” Ngumiti siya ng mapait. Ayokong nakikitang ganito si Emerald.
“Hindi ko akalaing ganyan ka pala.” Saka niya ako tinignan ng straight sa mata. Puno ito ng galit. “Anong balak mo ha? AGAWIN SIYA SA AKIN!? HA!” agad ko siyang niyakap.
“No Emerald pakinggan mo muna ako please. This isn’t what you think.” Pagsusumamo ko sakanya juskopo wag ganito. Ilang sandali nalang bibigay na si Emerald. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Marahil iniisip niya yung naramdaman ng mama niya nang agawin ng isang babae ang papa niya mula sa mama niya.
Itinulak ako ni Emerald. “I will not let that happen. Akin lang siya Diana. Hindi ako papayag na maulit sa akin ang nangyari sa mama ko! NO!” ayan na nagwala na siya.
“Emerald! Please!” nakayuko na ako ngayon at nagmamakaawa.
“Nakaka awa ka Diana.” Napa angat ako ng tingin sakanya.
“Ganyan ka na ba kadesperadang magkaboyfriend? Pati si Tim aagawin mo pa sa akin? Porket walang pumapatol sayo? HA!” pinipigilan ko ang sarili kong magalit sayo Emerald. Please tumigil ka na.
“HA HA HA. PAKSHET KA! TIGILAN MO SI TIM! NAIINTINDIHAN MO? IBA NALANG ANG AGAWAN MO! WAG AKO! MALANDI!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko masyado na akong nasaktan sa sinabi niya at nasampal ko siya. Ganyan ba ang tingin niya sa akin? Ang tagal na naming magbestfriend pero ganito? Tangina!
“Woahh. The nerve. Simula ngayon. HINDI NA KITA BESTFRIEND!!!!” saka siya tumakbo palayo sa akin.
Napaupo nalang ako at nag iiiyak.
EMERALD NAMAN EH!
TIM’S POV
Ang ganda ng pelikula nakakaiyak. Haha. This is soooo fun.
Simula palang yan Emerald.
*kriingggg*
Incoming call
Emerald“Hello?”
[“T-tim..”]
“Umiiyak ka ba? Nasaan ka?” Nagaalalang tanong ko sakanya. Wow am I a good actor now?
[“We need to talk. Nandito a-ako sa rooftop”]
“Alright. Tahan na. Hintayin mo ako diyan” saka niya binaba yung tawag.
I pity you. Pero kailangan kong gawin to.
_________________
EMERALD’S POV
Hindi ko aakalaing magagawa sa akin to ni Diana. Itinuring ko siyang bestfriend pero gusto pala niyang agawin si Tim. Hindi ako papayag! Nandito kami ngayon ni Tim sa rooftop. Ipinakita ko sakanya yung picture nila ni Diana. Muka naman siyang nagulat at nagtangkang magpaliwanag pero pinigilan ko siya.
“I know hindi mo ginusto to Tim. Kitang kita naman sa picture na she forced a kiss on you.” Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Mahal na mahal kita Tim.
TIM’S POV
Things are going smoothly hindi ko akalain yun. I hugged her back at hinimas himas pa ang ulo niya.
“Pag usapan niyo ng maayos ni Diana. She’s still your bestfriend.” Pag aalo ko sakanya.
“No. Not anymore.” Sagot niya sa akin at lalong humigpit yung yakap niya.
“What do you mean?” painosente pa.
“She’s not my bestfriend anymore.” Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya saka ngumiti.. bigla naman siyang humagulgol.
“Shh. Nandito lang ako.”
“P-please. Wag na wag mo akong ipagpapalit. Wag mo akong iiwan. ” saka siya napahagulgol sa bisig ko.
“Promise.” Hindi kita iiwan hangga’t hindi pa ako nakukuntento.
=================================
Waaaaaaa. Wasak na ang mag bestfriend. NOOOOOOOOOOOOOOOOOO.short update ^^
- DontFallForMe __ Esseol ☜(゚ヮ゚☜)
BINABASA MO ANG
My Secret Love Master (completed)
Fiksi Umum[Warning : Rated MILD SPG] BOOK 1 What if may biglang dumating na package sa bahay niyo tapos hindi ka prepared kasi T-SHIRT lang ang suot mo?! Ano kayang maaaring mangyari pag nagsama ang isang secretly extreme pervert at isang sexy model sa iisan...