Hayy. Ang hirap humugot ng inspirasyon. Charot. XD Di ko malaman paano ko tatapusin tong kwento ko imba. GUU. At dahil wala akong maisip, eto na lang. hihihi. Abangan niyo po yung story ni Tim at Diana. *wink wink*
===============
Secret 25
EMERALD’S POV
“I gotta go, magiisip ako ng paraan kung paano kayo makakapag usap ni Diana.” I tapped his shoulder saka kumindat. “Kapag niloko mo si Diana, humanda ka sa akin.” At pareho kaming natawa.Naglakad na ako palayo. Nakaramdam naman ako na naiihi ako kaya agad agad akong pumunta sa comfort room. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Diana naghihilamos.
“BESTFRIEND!” panggugulat ko sakanya.
Halos mapatalon siya sa gulat at dahan dahang lumingon sa akin. Kinabahan ako. Lumapit siya sa akin at yumakap. Di kaya...
“A-anong problema Diana?” mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin. Di kaya buntis siya?
“B-bestfriend! Kinakabahan ako. K-kasi.. Urhhggg” bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka siya dumuwal sa lababo. Nanlaki yung mga mata ko. “DIANA BUNTIS KA!?” para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa paninigas niya.
“HUH! SIRA HINDI NO! W-WALA NAMAN AKONG B-BOYFRIEND!” naningkit yung mata ko. Alam ko, sa mga tingin ko sakanya, naiintindihan niya na alam kong nagsisinungaling siya.
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. “I’m sorry.” Saka siya yumuko.
Iniling ko ang ulo ko saka ko siya niyakap. “Naiintindihan ko, ginawa mo iyon para sa akin.” Saka ako kumalas sa pagkakayakap sakanya at tinignan siya sa mata.
“P-pero paano ..ayokong maging h-hadlang sainyo.” Sagot niya habang hawak ang braso ko.
“Pffft.” Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko para pigilan yung tawa ko.
“Seryoso kaya ako.” And with that napatawa na ako.
“HAHAHA lintek bestfriend! Hindi ako sanay na ganyan ka!” sabay palo ko pa sa braso niya. “Nagkaron na kami ng proper closure ni Tim, it’s over between us.” Saka ko siya nginitian.
“Do you love him?” kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
“WHUT?! HAHAHA NAGJOJOKE KA BA BESTFRIEND HINDI NO! SA GINAWA NIYA SAYO AT MATAPOS NIYANG KUNIN YUNG BATAAN KO AT BIGYAN AKO NG BATA, NO WAY! I HATE HIM!” at nagpapapadyak padyak pa siya. Patay hahaha mukhang mahihirapan si Tim.
“Duh, magkakaanak na kayo kaya!” sabay kurot ko sakanya.
“Di pa naman sure to bestfriend! Pupunta ako sa doctor mamaya para sure.”
“Sige bestfriend sasa—“ sasabihin ko palang sana na sasamahan ko siya nang biglang mag ring ang phone ko.“Wait lang best,” saka ko sinagot yung tawag “Hello?.. WAA MANAGER!!... hehe opo!.... ako din po miss ko na kayo... talaga po!?...waaa! eh? Ngayon na po?.. opo... pero may klase po ..ayyys sige po. See you!” saka ko binaba yung tawag.
Agad kong niyakap si bestfriend “Balitaan mo nalang pala ako bestfriend sorry di kita masasamahan kasi si manager eh.” Tumango tango naman siya.
“GO BEST! HIHI TATAWAGAN NALANG KITA, malay mo na food poison lang pala ko kaya ako nagsusuka – Aray!” binatukan ko nga.
___
Nandito pa rin ako sa school ngayon, naghahanap kasi ako ng model. Sabi kasi ni Manager, maghanap daw ako. Yung cool, hot, sexy, tapos may aura na matapang.
BINABASA MO ANG
My Secret Love Master (completed)
General Fiction[Warning : Rated MILD SPG] BOOK 1 What if may biglang dumating na package sa bahay niyo tapos hindi ka prepared kasi T-SHIRT lang ang suot mo?! Ano kayang maaaring mangyari pag nagsama ang isang secretly extreme pervert at isang sexy model sa iisan...