Chapter 20: Can't talk.

7.1K 111 31
                                    

Nagulat ako, kagabi 5,955 palang reads eh. Biglang nag 6k. Kaya UD! hihi. Salamat. Para sayo to @Nitsuga88 thanks sa pag basa at vote sa lahat ng chapters. Pati sa lahat ng may magagandang comments sa Chapter 19. huhubels.

=====================

Secret 20: Can’t talk.

 

KYLER’S POV

 

[*BEEP BEEEEP*]

Narinig ko ang isang malakas na busina bago namatay ang tawag. Nabitawan ko ang cellphone ko at natulala.

“Fuck. Si Emerald!” bumalik ako sa ulirat at kinuha ko ang cellphone ko at napatakbo.

*KRINGGGGG*

“Hello?!”

[“Hijo, Si E-emerald...”] ang daddy ni Emerald.

“N-nasaan po kayo ngayon?”

 

[“St Jude..] nanginginig at panay na ang iyak ni Tito sa kabilang linya. Mas lalo akong nag alala!

 

“Sige po! Papunta na po ako!” saka ko pinatay ang tawag.

Please be safe Emerald.

__________

Agad kong tinanong sa information area kung nasaan si Emerald pagkarating ko ng hospital. Ang sabi ay nasa 2nd floor daw ang Emergency room na pinagdalhan kay Emerald.

Pagdating ko doon agad kong sinugod si Tim at sinuntok! Agad naman akong nahawakan ng daddy ni Emerald at hinila palayo kay Tim.

Lumapit din sa akin si dad “Kyler! Maghunos dili ka hindi ito ang tamang panahon para dito!” hindi ko napansin na nandito pala si dad.

“Mapapatay kita pag may nangyaring masama kay Emerald! Tandaan mo yan!” ni hindi niya magawang tumingin sa akin at yumuko nalang. “Tangina ka! Gago!”

“Sino po ang pamilya ng pasyente?” nilingon ko yung doctor.

“Ako doc. Kamusta ang anak ko?” sagot ng daddy ni Emerald.

“Ligtas na siya. We’re just doing some tests para masiguradong wala nang iba pang komplikasyon. Nasa room B201 na siya ngayon. Maaari niyo na siyang madalaw.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.

________________

Nakalipas na dalawang araw at hindi pa rin nagigising si Emerald. Sana gumising ka na. Nagaalala na ako sayo.

Nandito ako ngayon sa tabi niya at hawak hawak ko ang kamay niya. Biglang gumalaw ang isa niyang daliri.

“Emerald? Emerald? Can you hear me?” unti unting dumilat ang mga mata niya at tinignan ako. Maya maya pa ay ngumiti siya at hinigpitan ang hawak niya sa akin na parang sinasabi niyang ‘masaya ako na ikaw ang una kong nakita’

 

“Anong nararamdaman mo?” ibinuka niya ang bibig niya pero walang lumabas na boses. Bigla siyang bumitaw sa akin at hinawakan ang leeg niya at muli niyang sinubukang magsalita.

“Anong nangyayari? Are you okay?” pinilit niyang bumangon at hinawakan niya ang kamay ko at pinipilit niyang magsalita.

“....a...aaa” yan lang ang kaya niyang sabihin. Nagumpisa na siyang umiyak. Agad ko naman siyang niyakap.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon