Chapter 26 : Hindi kita kailangan!

6.6K 89 21
                                    

Ang totoo, hindi ko alam kung paano tatapusin tong story ko, kaya siguro, baka, baka lang..humaba :) itoooooo. Basahin niyo yung prologue ng story ni Diana at Tim, click the external link. WOOOOOO HAHAHA. comment at vote ha?

=======================
Secret 26

 

DIANA’S POV

 

Hayyy. Busy si bestfriend sa photoshoot. Magisa tuloy ako ngayong pupunta sa doctor. Sana sana talaga nafood poison lang ako! Ano bang kinain ko bago ako mag suka? Nasapo ko nalang yung ulo ko..Wala nga pala kaming pagkain kanina.

AFTER 300 hours, lumabas na ang resulta. -____-

Lumapit sa akin si doktora at umupo sa tapat ko. She smiled at me at lalong lumakas yung dugudugdugdug ng dibdib ko. Lumalaki yata ang dibdib ko? Paretoke ko na? Shet naman saklap ng hatid sa akin eh, lakas ng kabog ng dibdib ko di naman ako nagkakape.

“Miss Crisostomo c—“ hinawakan ko ang kamay ni dok at humikbi

“SHET DOK WAG MO NANG ITULOY HUHUHU C—ANONG C? C-CANCER?? HUHUHU HANGGANG KAILAN NALANG ANG TANING NG BUHAY KO? Shet hindi ko alam paano sasabihin ito kay bestfriend!” narinig ko namang tumawa yung doktora. JUSKOPO ANG SAMA NG UGALI TINATAWANAN PA YUNG PAGKAKAROON KO NG CAN—

“Congratulations Miss, you are 2 weeks pregnant.” nanlaki yung mata ko. SINO DAW YUNG BUNTIS?

“PO?”

“YOU are two weeks PREGNANT” napatakip ako ng bibig ko at napalunok.

“I didn’t know that it’s possible na makabuo ng baby sa isang putukan lang.” humagalpak ng tawa yung doktora.

“You should be happy though. An angel is inside you now. Next time kasi mag contraceptives.” waw contra—ano daw? di nalang sabihing condom uwaaaaa. Bumabastos lalo yung bibig ko tang*na!!!

Agad akong tumayo “Sige po, thanks.” at saka kumaripas ng takbo.

HOMAYGAD! HINDI ITO MAAARI!! PALALAYASIN AKO SA PALASYO PAG NALAMAN NI AMA’T INA ANG PAGDADALANTAO KO! HUHUHU!

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa isang park.

Naupo ako sa swing at tumingala SHET NAMAN TALAGA OH! pumikit ako at hinayaang tumulo ang luha ko.

“Diana?” napadilat ako ng marinig ko ang boses niya.

Napayuko ako “OH? Anong kailangan mo?” saka ko pinunasan yung luha sa mata ko.

Nag squat siya sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko para mapatingin ako sakanya. Kunot noo ko siyang tinignan sa mata.

___

EMERALD’S POV

 
UGH! Nakakainis talaga si Kyler. Alam kong maganda si Queeny pero yung manggaling kay Kyler, sumakit talaga yung puso ko. Nagseselos daw ako? DUH malamang. Ikaw kaya, yung crush mo biglang sinabi sa harap mo na nagagandahan siya sa ibang babae. Diba, it hurts!

Padabog akong sumalampak sa kama ko ng nakadapa.

Maya maya, matapos kong bumuntong hininga ng sobrang dami, nagpasya na din akong tumayo at magbihis. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan kong kumakain si Kyler ng tinapay. Nilapitan ko siya at hinablot yung kinakain niya.

“Penge! hahaha” saka ako tumakbo papunta sa sala at sumalampak sa sofa habang nilalantakan yung tinapay. Narinig ko siyang sumagantik.

Lalalala ang sarap ng tinapay ang bilis kong naubos. Tumayo ulit ako para kumuha non. Lumapit ako kay Kyler at... HAHA hinablot ko ulit yung kakainin niya. Nagsalubong yung kilay niya at tinignan ako ng masama.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon