Chapter 29 : Escape time!

6.1K 79 11
                                    

Last 2 chapters tapos Epilogue na. hihihi.. Kailan ko ito tinapos itype? Kahapon! Hahaha Yay! Noon ko pa naisip yung ending nitong MSLM, kaso may nabasa akong story, as in ganun na ganun yung idea na naisip ko, kaya iibahin ko nalang hahaha.

==============================
Secret 29

 

“Kyler!” nakatulala kasi siya parang shunga lang. Sinabi ko lang na tumakas na kami kahapon, aba hindi na mapakali! Ngayon naman nakita akong naka make-up dahil graduation namin, mas lalong natulala! Hahaha

“Ang ganda mo kasi.” I blushed saka ko siya hinampas ng bag.

“Wag ka nga!” natawa naman siya sa akin saka niya ako niyakap. Ihhhhh kainis naman tong nilalang na itoooo. Kinikilig ang bunbunan kooo!

“Are you sure about this?” kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya saka ko siya hinawakan sa pisngi.

“Tell me, ano bang nararamdaman mo para sa akin Kyler?” hinawakan niya yung kamay ko at maya maya’y hinalikan ito.

“I don’t like you.” Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Aba loko to ah! Hindi daw niya ako gusto pero kahapon sabi niya itatakas niya ako! Bakit niya ako itatakas kung hindi niya ako gusto! ARGHH!!!!

“How dare y—“ hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi hinalikan niya ako agad. “Mmhhp!” nagpupumiglas ako kasi naiinis ako sakanya! Hindi pala niya ako gusto eh!

“I don’t like you because—“ tinakpan ko yung bibig niya gamit yung kamay ko, aba hayop to! Sasabihin pa niya talaga sa akin kung bakit hindi niya ako gusto! Nakakainis talaga!

“Urusai yo, aho! (Shut up, idiot!)” biglang tumulo yung luha ko kahit pinipigilan ko ito habang kagat ko ang ibabang labi ko. Bigla naman siyang nataranta at tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya at ngumiti. “Ang lakas pa ng loob mong ngitian ako!” padabog kong binabawi yung kamay ko sakanya pero ang lakas niya. Ugh!

“Pakinggan mo muna kasi ako,” sabi niya habang pinipisil niya yung kamay ko. “Hindi kita gusto, kasi mahal kita, Emerald.”

Ano daw?

“Hindi kita gusto, kasi mahal kita, Emerald.”

“Hindi kita gusto, kasi mahal kita, Emerald.”

“W-weh?” sagot ko sakanya habang papikit pikit pa. “M-mahal mo ‘ko?”

Ngumiti siya sa akin saka niya ako hinalikan sa noo “Mahal na mahal,” tinitigan niya ako sa mata “pagkatapos ng graduation mo, magpapakalayo layo tayo. I know they’ll forgive us soon, kapag may baby na tayo.” Tumango tango lang ako sakanya kasi umiiyak nanaman ako. Mahal din niya ako! Ang saya saya ko! >/////<

WAIT..

 
“pagkatapos ng graduation mo, magpapakalayo layo tayo. I know they’ll forgive us soon, kapag may baby na tayo.

 
“pagkatapos ng graduation mo, magpapakalayo layo tayo. I know they’ll forgive us soon, kapag may baby na tayo.

 
“Anong baby ka dyan!” tawa lang siya ng tawa habang hinahampas ko siya sa dibdib niyang matigas. Hihihi. Yung baba kaya gaano kati— waaa censored! Hahaha.

“Pero seriously, gagawin ko ang lahat para hindi tayo maghiwalay. Tandaan mo yan.” Magkikiss na sana kami nang biglang may tumikhim.

“AHEM! Mamaya na yang tukaan, mag iistart na daw!” napalingon kami kay Diana saka tumawa.

_____
(Seriously, nakalimutan ko yung mga sinasabi sa graduation kaya hahaha sorry!)

Pagkatapos ng speech ng magnacumlaude, nagkaron ng State of the Nation Address mula sa aming director. Seriously, hindi niyo gets? Duhhhh! Nag speech din ng mahaba yung director ng Anderson University. Emeged lang, hindi nalang niya sabihing graduate na kami!

Kahit kailan talaga boring ang graduation! Tsk.

Ayooon, natapos din, we’re now graduates!

Tumayo na kaming lahat saka nagtatatalon habang hinahagis yung sumbrero namin. Pagkatapos nun, nilapitan ko agad si Diana at niyakap. Ngayon na ako nakaramdam ng lungkot. Lalayo kami ni Kyler, ‘di ba?

“Bestfriend. Mamimiss kita.” Napaiyak na ako. Mamimiss ko itong babaitang ito. Yung kaingayan niya, lahat lahat!

“Magtigil ka nga bestfriend, magkikita pa tayo ‘no! Ninang ka kaya kay baby.” Saka niya mas hinigpitan yung yakap niya sa akin.

“We’re leaving.” Napakalas siya agad sa akin at hinawakan ako sa braso “W-what? Where to?”

“I d-don’t know.. Kailangan kong makalayo dito, namin. Ayokong makasal sa taong hindi ko gusto.” Muli niya akong niyakap at naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko. “Naiintindihan ko, babalik ka naman ‘di ba?” tumango tango ako bilang sagot.

“Aalagaan mo ang sarili mo ha? Dapat pagbalik mo, ninang na rin ako.” Natawa ako sa sinabi niya kaya nahampas ko siya. “Gaga ka talaga!” saka kami sabay na tumawa. Maya maya’y lumapit na sa amin si Tim.

“Tara na hon.” Hinampas naman siya ni Diana. “Hon mo mukha mo!”

“Ang brutal mo talaga bestfriend, oh sige aalis na ako.” Tumango sa akin si Tim at saka ako niyakap muli ni Diana.

“Balikan mo ako bestfriend ha”

“Oo! Paulit ulit. Hahaha”

____

“Kyler?” dahan dahang lumingon sa akin si Kyler ng nakangiti. Nawala yung ngiti ko nang makita ko si daddy sa likod niya. Bumalik yung tingin ko kay Kyler at kinindatan niya ako.

“Congratulations, princess.” Lumapit ako kay daddy at niyakap ko siya.

“Thanks daddy.” Saka ko siya hinalikan sa pisngi.

“May regalo sayo si Kyler” Napakunot yung noo ko.

“Regalo?” saka ko tinignan si Kyler na kanina pa nakangiti.

“Trip to Boracay.” Nanlaki yung mata ko, trip to Boracay! White sand beach?! Kyaaaaaa!

“Really!?” I saw them nod kaya napatalon ako sa tuwa at niyakap ko silang pareho.

“Oh my gosh I’m soooo happy!” totoo, masaya ako! Tatawa tawa silang kumalas sa akin.

 
“It’s a three days vacation, behave okay?” sunod sunod naman ang pag tango ko habang nagniningning ang mga mata ko.

“Take care of her, Kyler. Ibalik mo siya dito ng buo.”

“Of course, tito. Ako pa. haha” saka siya inakbayan ni daddy.

_____

“You ready?” tanong sa akin ni Kyler. Ngayon na kasi ang alis namin papuntang boracay. Excited na ako!

“Super!” saka ako kumapit sa braso niya.

“Then let’s go!”

 
Nakasakay na kami ngayon sa eroplano. Ang tanging hiling ko lang? Hindi na sana ako magising pa kung panaginip man ang lahat ng ito. Gusto kong maging masaya kasama si Kyler. Ayokong makasal doon sa creepy na yon! Sana makahanap siya ng katapat niya! Alam ko kaya hindi nabanggit ni daddy yung tungkol doon noong graduation ko, kasi paguusapan namin iyong pagbalik namin.

“Kyler...” untag ko habang nakasandal yung ulo ko sa balikat niya.

“Hmm?” napapikit ako nang haplusin niya yung ulo ko.

“Anong gagawin ko?”

 
“Mahalin ako..” tatawa tawang sagot ni Kyler.

“Ehh, hindi yun! Seryoso ako, anong gagawin natin pagbalik natin ng manila? Paano si daddy?”

 
Kinuha niya yung kamay ko saka niya ito pinisil ng marahan at ngumiti ng nakakaloko.

“Sinong may sabing babalik pa tayo?”

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon