Pasintabi madlang people. HAHA. Paninindigan ko na ang pagiging SPG ng storyang ito. ISTRIKTUNG PATNUBAY ANG KAILANGAN. SPG sa bandang dulo. Pero di naman BS. Kung ayaw niyo, hala sige shupeee! haha. :*
----------------------------------
Secret 14
“Missed me?” ahhh! nasa harapan ko ngayon ang pinaka gwapo kong oppa!
Naitakip ko ang dalawa kong kamay sa bibig ko saka nagtatatalon at yumakap sakanya. Hinampas hampas ko pa yung dibdib niya. Tawa lang siya ng tawa sa akin.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago mimi.” kasabay nito ang pag gulo gulo niya ng buhok ko.
“Ehh Oppa naman ehh. Namiss kita sobraaaa! Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin ah.” Saka ako nag-pout.
Limang taon na rin ang nakakalipas nang huli kaming magkita. Siya nga pala si Mark Ethan A. Nuie a.k.a MEAN, my best cousin! Super close kaming dalawa to the extent na humagulgol ako ng bongga nang malaman kong aalis ng bansa si oppa. Doon kasi siya nagpatuloy ng pag aaral.
(A.N. PLUG! Read my other story please, Title : Addicted To You.. Mas makikilala niyo doon si Mean hihi. Click the external link sa side.. Picture ni Mark nasa side din)
“Psh. Wag ka ngang magpacute diyan, di bagay sayo!” sabay kalas niya sa pagkakayakap ko. Naglakad siya patungo sa kama at umupo. Tumabi naman ako sakanya.
“Actually, last year pa ako nasa Pilipinas Mimi.” ohh. So matagal na pala—
“What?! You mean sa tinagal tagal mo dito ngayon mo lang ako naisipang hanapin?!” hinampas ko siya ng bongga sa dibdib “ANG MEAN MO TALAGA OPPA!” Mean talaga to. Super. Super sungit pa at ayaw niya sa taong tatanga tanga. Hindi ko nga alam bakit kami naging close.
“Hahaha I know. Pero believe me, busy lang talaga ako kaya hindi kita agad nahanap.” Pagpapaliwanag niya.
“Ano yun isang taong busy. Excuses.” sabay cross ko ng arms ko.
“Oh come on Mimi.” Sabay tusok tusok niya sa tagiliran ko at umakbay pa nga. “I didn’t mean it. I’m sorry okay? Lagi na akong nandito when you need me, I promise.” Naka pout parin ako at hindi tumitingin sakanya.
“Ikaw naman. Ikaw na nga tong kinidnap ko para masurprise ka eh.”
“Psh. Yun na nga eh I was in the middle of my—” napatayo naman ako nang maalala ko si Kyler! “SHIT!”
“What now?” napakamot siya ng ulo. “What time is it oppa? Ilang oras na ang nakakalipas ng kidnappin mo ako?” nagtataka naman siya sa tanong ko. ”Three hours, I guess?” ohh 3 hours lang . . THREE HOURS?! I’M DEAD!
Agad kong hinalukay yung bag ko para hanapin yung cellphone ko.
“ARGHH!” nakalimutan ko siyang icharge kagabi! Hinahanap kaya ako ni Kyler? Naah ~ Hindi siguro. Pero uuwi na lang din ako para makasigurado.
“Akin na yung cellphone mo oppa.” Yung mukha naman niya is nagtatanong kung bakit. Inagaw ko nalang yung cellphone niya at sinave doon yung number ko.
“Dead bat ang phone ko. Text mo nalang ako or tawagan.” Palabas na ako ng pinto ng harangan niya ko.
“So, ganun nalang yun? Na miss mo ako pero aalis ka na agad?” aba at nakuha pang mag pout nitong lalaking to.
Hinalikan ko nalang siya sa cheeks. “Kita nalang tayo oppa ha? May kasama ako kanina nung kinidnap mo ako! Baka lamunin ako ng buhay nun!” tumawa naman siya.
BINABASA MO ANG
My Secret Love Master (completed)
General Fiction[Warning : Rated MILD SPG] BOOK 1 What if may biglang dumating na package sa bahay niyo tapos hindi ka prepared kasi T-SHIRT lang ang suot mo?! Ano kayang maaaring mangyari pag nagsama ang isang secretly extreme pervert at isang sexy model sa iisan...