Chapter 5 : My Lucky Day! or not?

10.8K 171 109
                                    

Secret 5

I never thought na ganito kabilis ang pangyayari.

SIYA? SIYA ANG MAKAKAPARTNER KO?

Tadhana nga naman. Nasa harap ko ngayon ang isang gwapong nilalang. Para akong naging bato na nakatitig sakanya ngayon. Wala akong pakialam. Tititigan ko si Tim hangga't gusto ko.

YES! Tama kayo ng basa. Nahulaan niyo ba? Na siya yung makakapartner ko? Gosh! AKO HINDI KO NAHULAAN! Hindi niyo manlang ako sinabihan! Mga bwisit kayo! Hindi ko namalayan ang lapit napala ng mukha niya sa akin.

"Hey? Are you sick?" sabay hawak niya sa noo ko.

Nanlaki ang mga mata ko at shet nagblush pa yata ako! I snapped back to reality at sawakas nakapagsalita rin ako.

"Oops. Sorry. Natulala ako bigla. Inisip ko kasi kung saan kita nakita at kung anong pangalan mo." great, just great -_____- ang galing ng palusot mo Emerald! waaaaa. lulusot kaya?

"Pfft hahahaha. " sabay gulo gulo niya ng buhok ko. huh? Lakas ba ng humor ko at lagi ko siyang napapatawa? Ang hilig din niyang guluhin ang buhok ko ha!

"What?" medyo mataray kong tugon. Napatigil naman siya saglit.

"Sorry. Kasi naman yung dahilan mo. Nagkita tayo sa school. Do I look weird in this cool outfit?" tinignan naman niya yung suot niya. Waaa sabi sayo di effective yung palusot ko ih. Di bali tuloy ko pa rin.

"Well uh.. You look different kasi." sinabakan ko nalang ng matamis na ngiti. Ngiti nalang din ang itinugon niya.

"So, let's start na ? " biglang singit naman ni direk. Eh! moment namin ni Tim KO. Oh yes ang lakas kong mang angkin! "Sa tingin ko naman magkakilala na kayo eh." I unconsciously bit my lower lip. Higit pa dun direk! Hihihi. Charot.

---

"Darling, wag masyadong stiff ~ "

Waaaa sabi yan sakin ni Direk! Juskopo! Kung ikaw ba may kaharap na gwapo, makakapagconcentrate ka ba? Lalo na kung crush mo? Ikaw na kaya dito direk?! Nakakahiya! Ngayon lang nangyari sakin ito!

"Break muna tayo direk? " sabay nag puppy eyes pa ako sakanya. Napangiti naman si Tim.

"Sure. I'll be waiting for you to be back in action darling." sabay tayo ni direk at lumabas ng studio. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakahiya talaga.

Bigla namang ni pat ni Tim yung ulo ko. awwwwww. >///////<

"You can do it. " waaaa. ayun nanaman yung pamatay niyang ngiti. Sheet of paper! Ginanahan ako! Isang ngiti lang niya laglag na ang.. Ang panty? Joke.. Laglag na ang kaba ko! Nagsmile lang ako sakanya bilang tugon. THIS IS IT. Kaya ko naman na siguro ‘to!

"Ready?" I just nodded at pinagpose na kami ni direk. Waaa naiilang parin ako! I looked at Tim tapos may nakita ako sa mga mata niya. Hindi ko malaman kung bakit pero nakaramdam ako ng lungkot. Nakasandal si Tim sa may bintana, ako nakalagay naman yung mga braso ko sa may balikat niya tapos magkadikit na magkadikit yung katawan namin. I tried my best.

(POSE NI EMERALD AT TIM SA SIDE >>>>>>>>>)

"Perfect!" Sigaw ni direk matapos kaming kuhaan ng ilang shots mula sa iba-ibang anggulo. Natuwa ako sa sinabi ni direk. Talaga? OKAY NA? YES!

Natapos ang pictorial namin at puro daring scenes ang ginawa namin. Well puro ganun naman ang pinapagawa sakin kahit noon pa kaya sanay na rin ako. Sabi nga nila, wala sa ugali ko yung magpose ng daring.

Kasi nga diba, isip bata ako! Hahaha. Isip bata pero yung isip ko advanced na 'no! *ehem ehem* Speaking of that thing. Ang tagal ko nang hindi nakakanuod huhuhu. Kainis. Pagkatapos na pagtapos namin dun ay umariba na ako at lumabas ng studio, syempre nagpaalam naman ako kay direk at kay Tim.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon