Chapter 24: Back to School

6.6K 92 20
                                    

Waa. Sorry super bagal ng update ko. Nilalangaw ang utak ko at busy sa ojt eh. huhu.. Sabaw update for you! hihihi. Last 6 chapters..

====================================

Secret 24

EMERALD’S POV

 

Nagising nalang ako sa mga haplos sa may tiyan ko.

-___-

-___o

O___-

Nanlaki ang mga mata ko matapos kong tignan yung tyan ko. May kamay na lumalapastangan sa nananahimik kong tyan!

“Mhmmm.” AY POTAKTE! Ngayon naman sa leeg ko. Pinupugpog niya ng halik!

Huminga ako ng malalim at bumwelo at kinurot ng pagkalakas yung kamay niya.

“ARAY! Bakit ka nangungurot?” sabay tawa niya. Itinulak ko naman siya at napagulong siya pababa sa kama.

“Bakit ang manyak mo!?” tumawa lang siya ulit. GHAAADD NAKAKAINIS!!!

Tumayo nalang ako at dumiretso sa banyo. Narinig ko naman yung pag tawa niya at pag sabi ng ‘goodmorning’ ayshh! Grabe na si Kyler namimihasa ng ginagapang ako sa gabi! Nagigising nalang ako sa umaga na katabi ko siya.

Unang araw ng klase aba sinira niya yung araw ko!

_________
(SCHOOL)

Nakakatuwa MAS dumami na yung nakakakilala sa akin sa school mula nung manalo ako sa cosplay event. Hnng. Ang sarap sa feeling ng ganito. Yung wala kang inaalala, yung walang kung anong malas

*BOOOGGSHHSH!*

-________- AKALA KO BA WALA!!!

“Sorry!” eto nanaman po tayo eh, bungguan factor nanaman. Tawa ko lang kapag bagong character nanaman ito.

Pagtingala ko, aish. Lumang character pala. Noon nakaraan hinahanap ko siya, pero ngayong nasa harap ko na siya hindi naman ako makapagsalita.

Inalalayan niya akong makatayo. Matagal tagal din kaming nagtitigan.

“Uh. Hi?” nakita kong lumiwanag ang mukha niya at bakas na natutuwa siya na nakakapag salita na ako.

He held my hand saka ako tinignan ng diretso sa mata.

“C-can we talk?” saka niya hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko. I just nodded at inakay niya ako papunta sa hardin ng school. Mabuti nalang at medyo maaga pa para sa una naming subject.

Umupo kami sa bench kung saan kami nag away noon ni Diana. Natatawa nalang ako pero may konting kirot pa rin sa puso ko sa tuwing naaalala ko kung paano ko sinaktan si Diana. Pinagsisisihan ko talaga ang hindi ko pagtitiwala sakanya. Akala ko kasi may gusto din siya kay Tim noon.

“I’m sorry.” Saka niya muling hinawakan yung kamay ko at yumuko.

“I’m listening.” Saka siya nag angat ng tingin at nagumpisang magpaliwanag. Idinetalye niya sa akin yung mga ginawa niya. Mula pa lang sa pagkakabangga niya sa akin sa labas ng clinic, planado na. Sinabi din niya na nahuli siya ni Diana at binantaan siyang wag ituloy ang balak pero na set-up niya ito. He even threatened Diana na wag na wag magsusumbong sa akin dahil kung hindi papatayin daw niya ako.

“I’m really sorry Emerald. Please, forgive me.” I smiled at him saka ko pinunasan yung luha niya.

“Sabi ko naman sayo, napatawad na kita, mula pa noong iligtas kita.” He nodded.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon