2.Heartbeat

120 27 0
                                    






Bumili ng kanin at ulam ang mag-aama sa kanto.Pag dating nila sa bahay wala pa doon si Carmen.Hindi na nila ito naintay, kaya kumain na sila ng hapunan.




Mga ilang sandali dumating na si Carmen.

"Naandyan na pala kayo."saad ni Carmen

"Kamain ka na ba Carmen?"tanong ni Nestor

"Oo, nag Bible study kasi kami sa kabilang Barangay.May konting salo-salo doon." paliwanag ni Carmen

Dumiretso na sa kwarto si Carmen at natulog na.Nagkatinginan na  lamang ang mag aama.




Ganoon lagi si Carmen pag nauwi ito sa kanilang bahay.Hindi na nila ito makausap at maasahan sa mga gawaing bahay.Hindi na ito pinapansin ni Nestor dahil pag mumulan lang ng kanilang away mag asawa.Ngunit hindi naman mapigilan ng mag kapatid na mag tampo sa kanilang Nanay

"Tatay, nakakainis na talaga si Nanay." inis na saad ni Tisay

"Oo nga Tatay, hindi na natin maasahan kahit dito sa bahay."dagdag ni Eric

"Hwag na kayong mag tampo. Mag date tayong tatlo sa pay day."saad ni Nestor

Namilog ang mata ni Tisay sa tuwa.

"Talaga Tay?"tuwang-tuwa na saad ni Tisay



Walang magawa si Nestor sa mga ginagawa ng kanyang asawa.Ginagawa niyang lahat para sa kanyang pamilya. Gumigising siya ng maaga para magawa lahat ang mga gawaing bahay.



Nag-iipon naman ng pera sina Eric at Tisay para sa nalalapit na kaarawan ni Nestor.

Habang nasa mansion nag usap ang mag kapatid.

"Kuya, kamusta yun ipon natin?"tanong ni Tisay

"Hwag kang mag alala makakabili tayo ng gift para kay Tatay." tugon nito

"T-Talaga?"tuwang-tuwa na saad ni Tisay



Napadungaw sa may bintana ng kanyang kwarto si Patrick at tinawag nito si Tisay.

"TISAY."malakas na tawag nito

"Bakit Baby Pat?"tanong ni Tisay habang nakatingala ito kay Patrick

"Halika may ipapakita ako sayo." nag mamadaling saad ni Patrick





Kaagad na pumasok sa loob ng mansion si Tisay at tumaas ito pa punta sa kwarto ni Patrick.

"Ano ba yun?"tanong ni Tisay

"Ibinili kasi ako ni Mama ng mga bagong T-shirt.Tingnan mo kung alin ang bagay sa akin."masayang saad ni Patrick

Napatingin si Tisay sa kama ni Patrick.Maraming ibat-ibang kulay na Lacoste T-shirt ang naka lapag doon.

"W-Wow ang dami mo na namang new T-shirt." gulat na saad ni Tisay

"Alin kaya ang bagay sakin dyan?"tanong ni Patrick

"Lahat yan bagay sayo."




Nagulat si Tisay ng biglang nag hubad ng T-shirt si Patrick.Napa nganga siya at nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Kung dati ay normal lang sa kanya na makitang hubad si Patrick bakit ngayon iba na ang kanyang nararamdaman.



Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon