Naka isang buwan na sa Pilipinas si Trisha(Tisay).Madali narin siyang naka pag adjust dahil sa malamig na panahon.Napag isipan naman niyang bumili ng isang simpleng sasakyan.Upang may magamit siya kung sakaling mag karoon siyang muli ng trabaho.
Nag pasama si Trisha sa kanyang Tita Lorna upang bumili ng sasakyan sa Maynila.
"Tisay,mabuti't naisipan mong bumili ng sasakyan.Marunong ka narin mag drive di ba?" masayang saad nito
"Opo Tita, kailangan ko po talaga para hindi ako mahirapan sa mga pupuntahan ko."
Napangiti si Lorna.
"Masaya ako para sayo kasi natupad mo na ang mga pangarap mo sa buhay." saad nito
"Salamat Tita, pangako ko po talaga kay Tatay at Kuya na gagawin ko ang lahat para maging doktor ako."
Matagal ang proseso ng mga dokumento sa Toyota Alabang bago makabili ng sasakyan.
Dala ang sasakyan ng kanyang Tita Lorna.Tanghali na! Nag aya na si Trisha na kumain muna.Nag hanap sila ng makakainan.
"Tisay, may masarap na makakainan dito sa Alabang."ngiting saad ni Lorna
"Saan po Tita?"
Iginala ni Lorna ang kanyang mga mata.
Mga ilang sandali,hinila ni Lorna si Trisha ng makita nito ang Ledesma Flavor Restaurant.
Napakunot ang noo ni Trisha ng makita niya ang restaurant.Hindi na lang niya pinag tutuunan ng pansin ito.Pumasok sila sa loob at nag hanap ng table.
Gumala ang mga mata ni Trisha habang nakaupo ito.Nag simula na silang umorder at nag hintay na lamang.
Napangiti si Lorna.
"Ang ganda dito, last week kasi isinama ako ng kumare ko dito."
"Talaga po?"
"At alam mo ba napaka gwapo ng CHEF dito. Minsan siya ang nag luluto dyan." nakangiting saad ni Lorna
Napatawa si Trisha.
"Si Tita talaga."
"Totoo ang sinasabi ko. Mamaya ituturo ko sayo." ngiting tugon ni Lorna.
Mga ilang minuto, dumating na ang order nila. Napatingin si Trisha kay Lorna.
"T-Tita, pwede po bang hwag nyo na akong tawaging Tisay."pakiusap nito
Natigilan si Lorna.
"B-Bakit? May problema ba sa pangalan mo?" pagtataka nito
"Iba na po ang naging pangalan ko mula ng mag punta ako sa Australia."tugon ni Trisha
Ipinaliwanag nito ang mga dahilan kung bakit nag iba siya ng pangalan.
Naintindihan naman ito ng Lorna.Hinawakan ni Lorna ang kamay ni Trisha.
"Nalulungkot ako sa mga nangyari sa buhay mo.Ngayon kaya mo ng harapin si Sylvia.Hindi kana niya kayang maliitin." paliwanag nito
"Ayoko na pong isipin pa si Ma'am Sylvia.Ang mahalaga po sa akin ngayon ay ang pamilya ko."
"Kumain na tayo Trisha or Tisay, mamaya panoorin natin si CHEF."nakangiting saad ni Lorna
Nag simula na silang kumain.Nagustuhan naman ni Trisha lasa ng pag kain.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."