1.Touch Of Love

207 28 0
                                    








Maagang pumasok si Eric sa kanyang trabaho.Hardinero siya sa Mansion ng Ledesma Family. Pag pasok pa lang niya sa gate tinawag kaagad siya ng katulong na si Aling Loleng.

"E-Eric,bilisan mo."malakas na sigaw nito

"Bakit po Aling Loleng?" pag tataka ni Eric

Napahinga  ng malalim si Aling Loleng.

"S-Si Patrick nag wawala na naman sa kwarto niya."paliwanag nito

"Nasaan po si Ma'am Sylvia?"aniya

"Hindi makaya ni Ma'am si Patrick."saad ni Aling Loleng


Nag mamadaling pumasok sa mansion si Eric at pinuntahan kaagad niya sa kwarto si Patrick. Nakita niya na naiyak si Sylvia sa labas ng kwarto.

"M-Ma'am, ano pong nangyayari kay Patrick?"tanong ni Eric

"B-Bigla na lang siyang nag wala."tugon ni Sylvia habang nakahawak sa kanyang dibdib



Pumasok si Eric sa loob ng kwarto. Nakita nito ang mga kalat at basag na mga gamit.Nakaupo sa isang sulok si Patrick at tahimik na umiiyak.Nilapitan ito ni Eric.

"Patrick."saad nito

"K-Kuya Eric...... ayoko na ng ganito."iyak na saad ni Patrick habang naka upo sa isang sulok.









Dalawang taon na ang nakalipas, mag mula ng maaksidente at mabulag si Patrick. GRADUATION DAY(High School),pauwi na silang mag ama sa kanilang bahay ng maaksidente ang sinasakyan nilang kotse. Namatay ang kanyang Papa at nabulag naman si Patrick.


Patuloy na inaamo ni Eric si Patrick.

"P-Patrick,di ba sabi ko sayo hwag kang mawawalan ng pag-asa."paliwanag ni Eric

"H-Hindi ko na kayang mag intay at umasa sa mga eye donor." garalgal na tugon ni Patrick

Nilapitan ni Eric si Patrick at niyakap ito.

"May awa ang Dios Patrick.Sige ka, gusto mo bang magalit sayo si Tisay? paliwanag na saad ni Eric habang pinapahid ang mga luha ni Patrick.

"H-Hindi kuya."aniya.

"Pag dating niya mamaya....mapapagod na naman mag linis yun ng kwarto mo."

"Sorry kuya Eric."tugon nito

"Halika doon tayo sa labas. Mag lalaro tayo ng Basketball."pag-aya ni Eric











Kay Eric lang nakikinig si Patrick. Kahit bulag si Patrick malakas ang kanyang pakiramdam. Natuto siyang mag Basketball dahil kay Eric.Biglang dumating si Tisay ang kapatid ni Eric.

Terry Angeles ang kanyang tunay na pangalan.Maganda at mestisa.Dalawang taon na itong caregiver ni Patrick. Nakita ni Tisay na nag lalaro ng Basketball ang dalawa.

"Good morning Baby Pat."masayang saad ni Tisay

Napatingin si Eric kay Tisay.

"Bakit ngayon ka lang Tisay?"

"Nag linis pa kasi ako ng bahay kuya."tugon ni Tisay

"Si Nanay?"

Umismid si Tisay.

"Asa kapa kay Nanay nasa simbahan na naman."inis na saad ni Tisay

"Bilisan mo...... mag linis kana ng kwarto ni Patrick."





Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon