30.Confrontation

58 22 1
                                    





Halos hindi matanggap ni Patrick ang mga pang yayari.Nag wala siya sa loob ng library.Galit na galit siya sa kanyang Mama.Halos masira na niya lahat ang mga gamit sa loob.



Nag mamadaling pumunta sina Mang Nitoy at Aling Perla, ng marinig nila ang mga sigaw ni Patrick sa loob ng library.Pag bukas nila ng pintuan, tumambad sa kanila ang mga sira-sirang gamit sa loob.Nakita nila si Patrick na nakahandusay sa isang sulok, wala na itong malay.

"S-Sir Patrick!" sigaw ni Mang Nitoy


Nilapitan ni Mang Nitoy si Patrick at nagulat ito sa kanyang nakita.Duguan at maraming sugat sa kamay si Patrick.

"P-Perla dalian mo, tulungan mo ako.Dadalhin natin si sir Patrick sa Ospital."



Nagulat si Perla sa kanyang nakita, duguan ang kamay ni Patrick.Inalalayan kaagad nila si Patrick palabas ng library at isinakay kaagad ito sa kotse.Nag mamadali si Mang Nitoy sa pag labas ng mansion.Binaybay nila ang daan pa punta ng ospital.

"N-Nitoy, anong gagawin natin ngayon?Pagagalitan tayo ni Ma'am Sylvia."pag aalala ni Perla

"H-Hwag mo munang isipin ang galit ni Ma'am Sylvia,ang importante si sir Patrick.Balutan mo muna ng towel ang kanyang kamay."paliwanag ni Mang Nitoy


Mga ilang sandali, nakarating na sila ng ospital.Dinala kaagad nila sa Emerency Room si Patrick.

"T-Tawagan na kaya natin si Ma'am."pag aalala ni Perla

"Ikaw ang bahala,basta pag nag tanong si Ma'am sabihin natin nag wala si sir sa Library."

"Sana hindi ko na lang ibinigay ang susi."pag sisisi ni Aling Perla


Napahinga ng malalim si Mang Nitoy.

"P-Parehas tayong may kasalanan.Kanina sinamahan ko si sir Patrick sa palengke.Hinanap niya si Aling Loleng. Nalaman na siguro niya ang totoo." paliwanag ni Mang Nitoy


Hindi nakatiis si Aling Perla.Tinawagan nito si Sylvia at sinabi ang mga nangyari kay Patrick.




Kinausap ng doktor sina Mang Nitoy at Aling Perla.Nag tamo ng malalalim na sugat ang kamay ni Patrick.Pwede na itong lumabas makalipas ang tatlong oras.Biglang nag kamalay naman si Patrick.Nagising ito na naka benda ang kanyang mga kamay.

"M-Mang Nitoy."mahinang saad nito

"Sir, naandito tayo sa ospital.Makakauwi na tayo mamaya."tugon ni Mang Nitoy



Pinag mamasdan ni Patrick ang kanyang kamay.Naalala niya ang pag wawala niya sa library at kung paano siya nasugatan.Ipinakuha niya kay Mang Nitoy ang kanyang wallet sa kanyang bulsa.Pinabayaran na niya ang bill.

"S-Sir, pasensya na po kayo.Tinawagan po namin ang Mama ninyo."saad ni Perla



Napapikit si Patrick.Hindi parin mawala ang galit niya sa kanyang Mama.Nag hintay pa sila ng ilang sandali bago makalabas ng Ospital.

Pag labas ng ER.Inalalayan si Patrick ng dalawa pasakay ng kotse.Napapangiwi si Patrick sa nararamdamang kirot sa kanyang mga sugat.





Sa Mansion.

Nakita na kaagad ni Patrick ang kanyang Mama na nasa Terrace nila.Sinalubong kaagad siya nito at inalalayan.

"P-Patrick,anong nangyari sayo?"pag aalala nito

"Bitiwan mo ako Ma,gusto ko ng mag pahinga."tinanggal ni Patrick ang pag kakahawak ng kanyang Mama sa kanyang braso



Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon