Hindi maintindihan ni Trisha ang kanyang gagawin.Gusto na niyang makauwi pero nahihiya siya kay Samantha.
Pasado Alas Diyes, nag sarado na ng Restaurant sina Patrick at Jeffrey.
Parking Lot
"H-Hon,san ba talaga tayo pupunta?" tanong si Samantha
"Sa KTV Bar tayo pupunta.... para masaya naman di ba Patrick."nakangiting tugon ni Jeffrey
Napangiti si Patrick.
"O-Oo para ma-exercise ang boses namin ni Jeff." birong saad nito
"Siguro naman may singer tayong kasama dito."dagdag ni Jeffrey
Sumabat si Samantha.
"S-Si Trisha..... singing doktor namin."saad ni Samantha habang nakaturo kay Trisha
"S-Sam.....loko ka talaga!" tugon ni Trisha
Napatingin si Patrick kay Trisha.
"May singer pala tayong kasama."nakangiting saad nito
"W-Well, let's go.Sa isang sasakyan na lang tayo para masaya." saad ni Jeffrey
Sasakyan na lamang ni Jeffrey ang kanilang ginamit.
Lalong hindi mapakali sa upuan si Trisha habang mag katabi na sila ni Patrick sa Back Seat.Napansin naman siya ni Patrick habang pa punta na sila sa KTV BAR.
"T-Trish, okey ka lang ba?Hwag ka ma out of place samin ha!" saad nito habang nakatingin kay Trisha
"D-Don't worry Patrick...Okay lang ako." mahinang tugon nito
"Good, I'm sure mag e-enjoy ka talaga dun."
Napangiti si Trisha kay Patrick.Pinilit na lamang niyang sumunod sa agos.
Mga ilang sandali nakarating na sila Music21Plaza Alabang.
Pumasok na ang apat sa loob.Gumala ang mga mata ni Trisha. Bagama't marami ng tao,nakakuha parin sila ng available na Room.Tuwang-tuwa si Samantha habang pinag mamasdan ang loob ng KTV.Umorder naman ng konting pag kain at maiinom sina Patrick at Jeffrey.
Nag simula na ang kantahan.Nauna sina Samantha at Jeffrey.Masayang- masaya ang dalawa habang sweet na sweet sa kanilang pag kanta.
Kinausap naman ni Patrick si Trisha.
"T-Trish, sanay ka bang uminom?"tanong nito
"O-Oo...sanay kami ni Samantha."
"Really?"
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."