37.Monique's Wedding

65 22 0
                                    





Habang naka upo sa kanilang salas,mag ka halong takot at kaba ang nararamdaman nina Monique at ng kanyang boyfriend na si Anthony.Matagal na nag hintay ang dalawa sa salas.

"Babe, what do you think?Tatanggapin kaya ako ng parents mo?"

"Kahit ayaw nila, wala naman silang magagawa kasi mag kaka baby na tayo." paliwanag ni Monique



Napangiti si Anthony sa sinabi ni Monique.Napapahinga ito ng malalim habang nag iintay sa mga magulang ni Monique.Mga ilang sandali, bumaba mula sa may hagdanan ang mga magulang ni Monique.Lumapit ang mga ito sa dalawa. Napatingin ang Daddy ni Monique kay Anthony.

"So.......Who's this guy Monique?"


Napahinga ng malalim si Monique at napakagat sa kanyang labi.

"Dad.....Mom....si Anthony boyfriend ko po!"utal na saad nito

"G-Good Evening po." utal na saad ni Anthony habang nakikipag kamay sa Daddy ni Monique

"Bakit ngayon mo lang sya ipinakilala samin Monique?"tanong ng Mommy nito


Napalunok si Monique.

"Busy kasi kami Mommy."mahinang tugon nito



Naupo muli sila at seryosong nag usap.Hindi napigil ni Monique ang kanyang sarili at ipinagtapat na niya sa kanyang mga magulang ang totoong sitwasyon niya.


Mga ilang sandali,isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Anthony.Walang tigil sa pag iyak si Monique at ng Mommy nito.

"D-Dad, stop it please."iyak na saad ni Monique

"WALANG HIYA KA BINUNTIS MO ANG ANAK KO.BRING YOUR PARENTS TOMORROW..... RIGHT HERE."galit na saad ng Daddy ni Monique

"Y-Yes sir."nanginginig na saad ni Anthony










Namanhikan ang pamilya ni Anthony.Kahit hindi sang ayon ang Daddy ni Monique, napilitan parin ito.




Madaliang ipinakasal ang dalawa sa isang Garden Wedding.

Sa Wedding Reception, walang tigil ang pag iyak ni Sylvia.Kahit naiinis na si Patrick pinilit parin nitong kumalma.

"Ma, its enough! Kanina pa kayo naiyak."pag pigil nito

"I-I really can't help it.Hindi natupad ang dream ko na maging kayo ni Monique."iyak na saad ni Sylvia



Napapatingin kay Sylvia ang mga bisita na naandoon.

"Ma, lahat ng bisita napapatingin sayo.Wala ka ng magagawa."naiinis na saad ni Patrick

"S-So what?Hindi ko kayang tanggapin Patrick.It hurts me a lot!"

"Don't worry Ma, one of this day magpapakasal narin kami ni Tisay." ngiting tugon ni Patrick



Lalong lumakas ang pag iyak ni Sylvia.

"Baka ikamatay ko pag nag pakasal kayo ni Tisay."

"Ma, bibigyan kita ng maraming apo para naman maging masaya kana."


Natigilan si Sylvia.

"Why?Buntis ba si Tisay?"

"Gagawa pa lang kami Ma."

Pinaghahampas ni Sylvia si Patrick.

"S-Stop joking at me Patrick." galit na saad nito



Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon