8.Grief Of Love

104 26 0
                                    






Araw ng sweldo ng mga katulong sa mansion.Tinawag ni Sylvia si Tisay.

"Tisay halika may ibibigay ako sayo."masayang saad ni Sylvia

Binigyan ni Sylvia ng magagandang damit at sapatos si Tisay.Ikinagulat naman ito ni Tisay.

"M-Ma'am, ang dami po naman nito."pag tataka nito

"Para sayo lahat yan."sabi ni Sylvia habang iniaabot ang mga gamit na binili niya para kay Tisay

Ibinigay din ni Sylvia ang sweldo ni Tisay. Nagulat si Tisay dahil sobra ang kanyang sweldo.

"B-Bakit po sobra ng sweldo ko?"tanong nito

"Tumutupad lang ako sa usapan natin. You've done a great job for my son.Mag kakasundo talaga tayo pag tinupad mo ang mga gusto ko."ngiting tugon ni Sylvia

Parang may kumurot sa puso ni Tisay.Masakit ang kanyang mga marinig kay Sylvia.Sa isip niya, parang binabayaran nito ang pag katao niya.

"M-Ma'am?

"Business is business Tisay.Para sa future mo ito.Gusto mo bang maging Doktor?"saad ni Sylvia

"O-Opo." 

Biglang natigilan si Tisay.Hindi niya  napigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha.

"M-Ma'am, mahal ko po si Patrick." iyak na saad ni Tisay

Napahinga ng malalim si Sylvia.

"I know that you love him but we have a deal.Naka set na ang lahat Tisay."paliwanag nito

"P-Pero Ma'am?"

Niyakap ni Sylvia si Tisay.

"Basta gawin mo na lang ang trabaho mo and make sure laging happy si Patrick." ngiting saad ni Sylvia

Natigilan si Tisay.

"Ma'am, hindi ko po kayang lokohin si Patrick.Ayoko pong masaktan siya." giit nito

Napangiti si Sylvia.

"Tisay, nag papasalamat ako sa mga naitulong mo kay Patrick pero hanggang doon lang yon." paliwanag nito

"Ginagawa ko lamang po ang trabaho ko."

"Isipin mo na lang Tisay na trabaho mo din ito.Lagi mong isa-isip na hindi kayo mag ka level ng anak ko.Marami akong pangarap para sa kanya.May babaing naka laan para sa anak ko.Don't worry matutupad lahat ng pangarap mo." paliwanag ni Sylvia


Lalong nasaktan si Tisay sa mga sinabi ni Sylvia.Naging magulo lalo ang kanyang isipan. 

Hindi niya alam kung ano ang kanyang pipiliin.



Dumaan ang mga araw laging masaya si Patrick at hindi na naging mainitin ang ulo nito.

Laging binibigyan ni Sylvia ng maraming regalo si Tisay.

"Mama, baka naman maging department store ang bahay nina Tisay."masayang saad ni Patrick

"Mga reward ko lang ito kay Tisay.Masipag kasi siya at inaasikaso ka talagang mabuti." tugon ni Sylvia.

Nakatingin lang si Tisay kay Sylvia.

"M-Marami pong salamat Ma'am." saad ni Tisay

Biglang hinila ni Sylvia si Tisay at may ibinulong dito.

"Magaling ka kasing mag trabaho Tisay kaya sinusuklian ko lang lahat ng effort mo para kay Patrick.Heto ang pills para hindi ka mabuntis."

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon