39.Positive

62 22 0
                                    


Trisha(Tisay) POV

Maaga akong pumasok sa clinic.Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Mabigat ang aking ulo at panay ang aking pag hikab.Maaga naman akong natulog kagabi pero pakiramdam ko,kulang na kulang ang parin tulog ko.
Kasunod kong pumasok ang aking secretary na si Doriz.Nag takip kaagad ako ng aking ilong ng malanghap ko ang kanyang pabango.

"Doriz, anong pabango mo?"

"Ma'am, cologne lang po."

"Bakit parang matapang ang amoy?"


Inamoy ni Doriz ang kanyang sarili.

"Ma'am, eto po ang pabango ko araw-araw."paliwanag nito


Napahawak ako sa aking ulo.Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Habang nag aayos ako ng aking mga gamit, bigla naman akong nagutom. Nangangasim ang aking dila.Parang nag lalaway ako sa mangga.

"D-Doriz, pwede bang ibili mo ako ng mangga?"



Napatingin sa akin si Doriz.

"Ma'am, maaga pa po baka sumakit ang tyan nyo.Nag breakfast na ba kayo?"

"Mangga kasi ang gusto ko."pilit ko


Napatango na lamang sa akin si Doriz.

"Sige po Ma'am bibili na lang po ako."nakangiting saad nito



Lumabas ng aking clinic si Doriz at bumili ng mangga.Naiinis na ako sa aking sarili.Panay pagkain na ang nasa isip ko.Gusto ko pang makita si Patrick.
Hindi naman ako mapakali sa aking upuan,gustong-gusto ko ng kumain ng mangga.Inip na inip ako sa pagdating ni Doriz.Kaya inasikaso ko muna ang mga pasyente habang nag iintay sa labas.



Mga ilang sandali, dumating na si Doriz na dala ang mangga.Tuwang-tuwa ako.
Wala na itong balat at may kasama pang bagoong.Hindi ko napigilan ang sarili ko at kaagad ko itong kinain.Napapatingin sa akin si Doriz.Nakaramdam naman ako ng pagka hilo at parang nasusuka ako.




Sunod-sunod ang aking pag susuka sa CR.Labis na nag alala sakin si Doriz, habang hinahagod niya ang aking likod.

"Ma'am, okay lang ba kayo?Masama po talaga ang mangga lalo na kapag hindi pa kayo nag aagahan." paliwanag nito


Halos manlambot ako sa dami ng aking naisuka.Pinaupo muna ako ni Doriz.Ikinuha muna niya ako ng maligamgam na tubig at pinainom niya ito sa akin.Kumalma ang aking pakiramdam.Biglang pumasok ng clinic si Samantha at nakita niya ang aking itsura.

"T-Trish, what happened to you?"

"E-Ewan ko bigla na lang akong nahilo at nagsuka."


Nilapitan ako ni Samantha at dinapian ng kanyang palad ang aking noo.

"Wala ka namang lagnat ah.Ano bang kinain mo?"

"Mangga."


Namilog ang mata ni Samantha sa akin.

"W-What?Grabe naman ang trip mo,ang aga mong kumain ng mangga."

"Eh yun ang gusto ko."



Biglang nag isip ng matagal si Samantha.

"Nahilo at nag suka........Are you pregnant?"

Nagulat ako sa sinabi ni Samantha.

"No I'm not."

"Are you sure?Mag test ka kaya."

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon