Patrick Ledesma's POV
Matapos ang mahabang panahon nakapag tapos narin ako ng pag aaral.Nag simula narin akong mag trabaho at kumita ng pera.Naging successful ang aking restaurant (Ledesma Flavor). Isa na akong CHEF at bussiness partner ko ang aking kaibigan na si Jefffrey.
"Bro, naging successful ang business natin." masayang saad ni Jeffrey
Tumingin ako sa paligid ng aming restaurant.
"Dreams do come true." tugon ko
Kahit natupad ang mga pangarap ko,hindi mawala sa aking isipan si Tisay kahit lumipas na ang maraming taon.Pero sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi ni Mama na ipinag palit ako ni Tisay sa pera, hindi mawala ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Habang nasa opisina ako ng aking restaurant.Biglang dumating si Monique.
"Babe." tawag nito
"M-Monique?"
Si Monique isang model. Matatawag kong Business Relationship ang namamagitan sa aming dalawa. Mag business partner ang aming mga magulang.Wala akong nagawa sa gusto ng aking Mama. Hindi ako nakapag salita agad ng makita ko si Monique.Hinalikan agad niya ako sa labi.Pinutol ko naman agad ito.
"A-Anong ginagawa mo dito?" pag tataka ko
Lumapit sa si Monique at bigla itong kumalong sa akin.
"Ummm..... na cancel kasi yun photoshoot ko." saad nito habang inaayos ang buhok ko
Biglang pumasok si Jeffrey.Tumayo agad ako at nahulog si Monique sa pag kakalong sa akin.
"OUCHHHHH....." malakas na sigaw ni Monique
Itinayo ko agad siya.
"S-Sorry..." saad ko
Napangiti si Jeffrey sa aming dalawa.Aalis na sana ito ng pinigilan ko.
"J-Jeff, wait..."
Sumunod ako kay Jeffrey. Naiwan si Monique at biglang sumigaw ito.
"P-PATRICKKKK." sigaw nito
Nag Inventory kami ni Jeffrey sa aming Stock Room.
"Bro, bakit iniwan mo dun si Monique?"tanong nito
"Hayaan mo na lang siya dun"ngiting tugon ko
Napatingin si Jeffrey sa akin.
"Gusto mo na ba si Monique?"
Bigla akong natigilan.
"I-I don't know?" mahinang tugon ko
"Magulo ang Set up nyo Bro." napapailing na tugon ni Jeffrey
Biglang may kumatok sa pintuan.... si Monique.
"B-Babe, I'm hungry...." saad nito
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."