Maagang nagising Trisha.Pag punta niya sa kusina nakahanda na ang kanilang almusal.Maaga ding nag bukas ng tindahan ang kanyang Nanay.Nag timpla na lang muna siya ng kape at dinala niya ito sa kanyang kwarto.Sinimulan na niyang ayusin ang kaniyang mga gamit.Tinanggal niya ang mga luma niyang damit sa kanyang aparador.
Nakita niya ang mga damit na ibinigay dati sa kanya ni Sylvia.Napapikit siya, bumabalik na naman ang ma lu-lungkot na alaala ng kanyang nakaraan.Hindi na siya nag dalawang isip na tanggalin ito sa kanyang aparador.
Biglang pumasok sa kwarto ni Trisha si Erica.
"Ate, anong ginagawa mo?Ang dami mo namang damit."tanong nito
"Aalisin ko yung mga luma kong damit."tugon nito
"Pwede bang akin na lang?"dugtong ni Erica
Napangiti si Trisha.
"Matagal ka pa bago lumaki.Ibibili na lang kita ng mga bagong damit."
Namilog ang mga mata ni Erica.
"Talaga? Ibibili mo ako ng mga bagong damit?" tanong nito
"O-Oo basta good girl ka lagi ha!" nakangiting tugon ni Trisha
"Promise, lagi akong magiging good girl." pangako nito habang itinaas ang kanang kamay niya
Biglang pumasok si Carmen.
"Naandito pala si Erica.Mag almusal muna tayo." pag aya nito
Napansin ni Carmen na tinanggal lahat ni Trisha ang mga luma nitong damit.
"Anak, may mga karton ako dito.Doon mo ilagay ang mga lumang damit mo."
"Opo Nay! Kailangan ko nga po iyon."tugon nito
"Mag alamusal muna tayo." pag aya ni Carmen
Habang nag aalmusal nabanggit ni Trisha ang pag nanais niyang makapunta sa puntod ng kanyang Tatay at Kuya.
"Nanay, pwede ba tayong sumaglit sa puntod nina Tatay at Kuya."saad nito
"O-Oo naman anak.Kelan mo ba gusto?"tugon ni Carmen
"Pwede po bang ngayon na,pag katapos nating kumain?"
Sumabat si Erica.
"Yehey.....pupunta tayo kay Tatay at Kuya." masayang saad nito
Pag katapos mag almusal, nag handa na ang mag iina sa pag punta sa sementeryo.
Isinara muna ni Carmen ang kanyang tindahan.Nag dala sila ng bulaklak at kandila.Nag arkila ng trycicle ang mag iina.
Mga ilang sandali, nakarating na sila sa sementeryo.
Sinindihan ni Trisha ang kandila.Walang patid ang kanyang pag luha habang hinahaplos niya ang libingan ng kanyang Tatay at Kuya.
"Taytay.....Kuya! Katulad ng ipanangako ko sa inyong dalawa,natupad ko na ang pangarap kong maging doktor.Sana masayang-masaya kayong dalawa para sa akin."iyak na saad ni Trisha
Biglang nag salita si Erica.
"Tatay...Kuya...hindi na malulungkot si Nanay kasi naandito na si ate."
Napangiti si Carmen.Niyakap niya ng mahigpit sina Erica at Trisha.
"N-Nestor...Eric...Mahal na mahal ko kayo.Hindi ko pababayaan sina Erica at Tisay."iyak na saad nito
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."