25.Follow Your Heart

75 23 0
                                    





Naging abala si Monique sa kanilang bahay.Nag pahanda siya ng pag kain para sa Dinner nila mamayang gabi nina Patrick.Hindi pa man nagaganap kinakabahan na agad siya.



"Monique, ano bang meron at nag papahanda ka para sa Dinner mamaya?" tanong ng Mommy ni Monique

"M-Mommy, darating kasi sina Patrick mamaya."

"Really?Nag propose na ba sya sayo?"



Lalong na dagdagan ang kaba ni Monique sa sinabi ng kanyang Mommy.

"Mommy naman, wala pa sa plano ko ang pag aasawa."paliwanag nito

"Eh bakit pupunta sila dito?"


Biglang natigilan si Monique.

"Mommy, please support us."

Napakunot ng noo ang Mommy ni Monique.

"Support?"aniya

"Mommy, alam nyo naman na si Daddy at Tita Sylvia ang may gusto ng relationship namin di ba?"


Natigilan ang Mommy ni Monique.

"So....anong plan ninyo ni Patrick?" tanong nito

"Mommy, ayaw na talaga namin ni Patrick."pag susumamo nito

"B-But Monique, magagalit ang Daddy mo."

Napahawak sa kanyang ulo si Monique.

"Mommy, may ibang boyfriend na ako."mabilis na saad nito

Nagulat ang Mommy ni Monique sa narinig nito.

"My God Monique!Are you crazy?"mariing saad nito

"M-Mommy, this is final.Hayaan nyo na lang na maging happy ni Patrick sa mga gusto namin."



Naningkit ang mga mata ng Mommy ni Monique.

"BAHALA KA NGA SA BUHAY MO MONIQUE!"galit na saad nito

"But Mommy..... tulungan mo naman kaming mag explain ni Patrick."pakiusap nito.


Napabuntong hininga ang Mommy ni Monique.

"G-Good luck na lang sa inyo ni Patrick."malungkot nitong saad


Nag lakad ng palayo ng kusina ang Mommy ni Monique.Napaupo sa may lamesa si Monique at nag iisip.

Biglang tinawag siya ng kanyang Yaya.

"Monique,anong dessert ang gusto nyo para sa Dinner?"tanong nito habang nasa gilid ng lamesa.

"Yaya, gusto ng Panacota at Macaroni Salad."nakangiting saad nito

"Okay."



Aalis na sana ang katulong ng biglang tinawag ulit ito ni Monique.

"Yaya,paki abot nga po ng Red Wine dito."

"H-Ha?Maaga pa para mag inom Monique.Baka pagalitan ka ng Mommy mo."


Napangiti ni Monique.

"Pam palakas lang ng loob Yaya."diin nito

Biglang nilapitan si Monique ng kanyang Yaya.

"B-Bakit may problema ba ang alaga ko?"



Hindi maintindihan ni Monique ang kanyang nararamdaman.Bigla na lamang siyang napayakap sa kanyang Yaya at hindi na niya napigilan ang kanyang pag luha.Ang kanyang Yaya lamang ang nasasabihan niya ng kanyang mga problema.

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon