4.First Kiss

101 27 0
                                    












Maagang dumating ang tutor ni Patrick.Si Teacher Liza.


Tinawag agad ni Tisay si Patrick sa kwarto nito.

"Patrick naandito na si Teacher Liza."saad nito

"T-Tinatamad ako Tisay."

"Sige ka......magagalit ang Mama mo."

"Ummm..... pa kiss muna." ngiting tugon ni Patrick

Nagulat si Tisay sa sinabi ni Patrick

"H-Ha?"




Hindi alam ni Tisay kung ang kanyang gagawin.Wala siyang nagawa,hinalikan nito sa noo si Patrick.Biglang sumimangot si Patrick.

"Pang matanda naman ang kiss mo."saad ni Patrick




Nagulat si Tisay ng biglang hinawakan ni Patrick ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi.Nanlaki ang bilog ng kanyang mga mata.Parang binusan ng malamig na tubig si Tisay.

Si Patrick ang kanyang first kiss.

"Y-You're my first kiss Tisay.Ikaw sino ang First kiss mo?"ngiting saad ni Patrick

Napahawak si Tisay sa kanyang labi at napapikit ito.

"H-Ha?Nakakarami kana Patrick."

"Siguro ako ang first kiss mo?"ngiting saad nito








Walang maisagot si Tisay kay Patrick.

"P-Panay ka kalokohan.Halika ka na nag-iintay na si Teacher Liza."pag mamadaling saad ni Tisay

Kinuha ni Tisay ang stick ni Patrick at inihatid na siya kay Teacher Liza.






Monday to friday ang lesson ni Patrick. Saturday naman ang check up niya sa mata. Sumasabay na si Patrick sa pag pasok ng kanyang Mama.

"Tisay, ikaw na ang bahala kay Patrick ha!"saad ni Sylvia

"Mama, pwede ba kaming dumaan sa mall? Nagugutom na kasi ako." pakiusap ni Patrick

"Oo naman anak.Do what you want basta behave ka lang ha!"tugon nito

"Yes Ma."




Pag katapos ng check up ni Patrick.Tinawagan ni Tisay ang kanyang Tatay at nag punta na sila sa mall.

"Saan mo gustong mag lunch Patrick?"tanong ni Tisay

"Gusto ko ng tempura.Sa Japanese Restaurant." saad ni Patrick

"Okay."






Nag punta sila sa Japanese Restaurant.

"Tisay, tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayong kumain."saad ni Nestor

Pinigilan ito ni Patrick.

"Mang Nestor, sumabay na po kayo samin mag lunch."

"N-Naku sa labas na lang ako kakain." pag-tanggi ni Nestor

"Basta sumama na po kayo." dagdag ni Patrick




Napilitan si Nestor na sumamang mag lunch sa dalawa.

Masayang-masaya si Patrick habang kumakain.

"Ipag take out natin ng pag kain sina kuya Eric at Aling Loleng."masayang saad ni Patrick

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon