27.Why Can't It Be?

68 23 1
                                    








Kahit dalawang buwan pa lamang sa Pilipinas sina Samantha at Trisha.Matiyagang nag hanap ang dalawa ng magandang clinic sa Maynila.Hindi naman sila nabigo sa pag hahanap.Sa Alabang Medical Centre sila nakakuha ng clinic.Nagustuhan ito ng dalawa lalo na ni Samantha.Malapit lang ito sa condo ni Jeffrey.


Nakuha na din ni Trisha ang kanyang bagong kotse.

"Trish, sa next month gusto ko din bumili ng ganito." masayang saad ni Samantha

"Mag pasama ka kay Jeff. Malapit lang naman ang condo niya dito sa Alabang."

"Trish, dun na tayo mag lunch sa resto nina Patrick.Para makita ko si Honey."





Kahit nag dadalawang isip si Trisha dumaan parin sila sa Restaurant ni Patrick.

Pag pasok pa lang ng dalawa sa Restaurant, marami ng customer. Nag hanap kaagad sila ng table.


Gumala ang mata ni Samantha. Nakita niya na abala sina Patrick at Jeffrey sa pag luluto.Maraming mga babaeng customer ang kinikilig sa dalawa.Hindi maiwasan ni Samantha ang mainis.Napansin naman ito ni Trisha.

"What's wrong with you Sam.Kanina ka pa nakasimangot?"nag tatakang saad ni Trisha

"Hay naku mahirap talaga pag gwapo ang boyfriend, maraming admirer!"inis na tugon ni Samantha habang nakatingin parin ito kay Jeffrey.

"Don't worry.Faithfull naman si Jeffrey di ba?Nakatiis nga kayo ng Long Distance Relationship.Ngayon pa ba?"paliwanag ni Trisha


Napabuntong hininga na lamang si Samantha.Hindi nag tagal lumapit kaagad si Jeffrey sa kanilang table.

Napawi ang inis sa mukha ni Samantha ng hinalikan siya sa pisngi ni Jeffrey.

"Kanina pa ba kayo dito?"nakangiting saad nito

"Yap....ang dami nyo palang admirer ni Patrick!"tugon ni Samantha



Napangiti si Jeffrey sa sinabi ni Samantha.Tumayo muli ito at pinuntahan si Patrick.

Ipinag luto ng pag kain nina Jeffrey at Patrick ang dalawa.


Makaraan ang ilang sandali, dinala na nina Jeffrey at Patrick ang pagkain sa table ng dalawa.Nag katinginan sina Patrick at Trisha.Ilang weeks din silang hindi nag kita kung kaya't parang mis na mis nila ang isat-isa.

"Enjoy your Lunch." ngiting saad ni Patrick


Nginitian ni Trisha si Patrick.Napuno ng kaba ang kanyang dibdib habang pinag mamasdan niya ang makinis na mukha ni Patrick.Iniwan muna nina Patrick at Jeffrey ang dalawa habang kumakain.

"Trish, masyado na tayong spoiled sa dalawa."ngiting saad ni Samantha

"O-Oo nga eh.Maswerte ka kasi magaling magluto si Jeffrey."tugon ni Trisha habang sarap na sarap sa kanyang pagkain

"Malay mo naman one of this day manligaw na sayo si Patrick....then lagi ka narin niyang ipagluluto."ngiting tugon ni Samantha



Natigilan si Trisha sa sinabi ni Samantha.

"Ikaw talaga, ako na naman ang nakita mo."

"Trish, type ka ni Patrick sabi sakin ni Jeffrey." mariing saad ni Samantha


Biglang napainom ng tubig si Trisha sa kanyang narinig.

"W-Wait......parang coincidence lang.Patrick ang name ng First love mo then eto na naman Patrick again?" dagdag ni Samantha

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon