Patrick's POV
Habang paalis kami ni Mang Nitoy,abot tanaw ko paring pinag mamasdan si Tisay. Kahit nag iba na siya ng kanyang pag katao, naandoon parin ang babaing minahal ko ng mahabang panahon.Parang sasabog ang aking dibdib.Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at humingi ng tawad sa mga ginawa ng aking Mama sa kanyang buhay. Napahawak ako ng mahigpit sa aking ulo.Gusto kong mag wala at sumigaw.Ngunit muli kong kinalma ang aking sarili.Iniisip ko parin na marami pa akong magagawang maganda para kay Tisay.Gagawin ko ang lahat upang makasama siyang muli.
Pag uwi namin sa mansion, nakita ko kaagad si Mama sa may terrace.Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa loob ng mansion.
"P-Patrick saan ka naman nag punta?Hindi ka man lang nag papaalam sakin."
Napahinga ako ng malalim at hinarap ko si Mama.
"Mas nag eenjoy ako sa labas kesa sa loob ng Mansion Mama."
"N-Nag kita na ba kayo ni Tisay?"
Natigilan ako sa sinabi ni Mama.
"H-Hindi pa Ma.Bakit may plano na naman ba kayo sa kanya?"
"W-What plan?What do you mean?Masama na ba talaga ang tingin mo sakin?"
Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ni Mama.Ngunit patuloy parin si Mama ng pag papaliwanag sa akin.
"Ginawa ko lahat yun Patrick para sayo.Wala akong masamang intensyon.Look at you now! Masama pa ba ang mga ginawa ko para sayo......para sa future mo?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mama.Parang sasabog na naman ang aking dibdib.
"YOU KNOW WHAT MA?MAS GUSTO KO PANG HABAMBUHAY NA LANG AKONG NABULAG, DAHIL KASAMA KO SI TISAY.NAKAKITA NGA AKO PERO NAWALA NAMAN ANG PAMILYA NYA.KULANG PA ANG 10 MILLION NA IBINAYAD MO SA KANYA MA.ANG MGA MATANG ITO....KAY KUYA ERIC ITO.....I'M WARNING YOU, DON'T YOU EVER TOUCH HER AGAIN."
Hindi naka pag salita si Mama sa aking mga sinabi.Habol ang aking hininga, pinutol ko na agad ang usapan ni Mama.Nag lakad na ako papalayo at dumiretso sa aking kwarto.
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako dalawin ng antok.Halos magulo na ang bedsheet sa aking kama.Hindi mawala sa aking isipan si Tisay.Pinag mamasdan ko ang aking phone.Nag dadalawang isip parin akong tawagan si Tisay.Ayokong makahalata siya na alam ko na ang lahat.Gusto kong mag simula ulit kami ng walang problema.
Pinalipas ko muna ang tatlong araw at muli akong pumunta sa bahay nina Tisay. Kagaya ng kasunduan namin ni Erica, may dala akong cake para sa kanya.
Tuwang-tuwa si Erica ng makita niya akong muli."W-Wow!Kuya Patrick, salamat po sa cake."
"Promise is promise."
Napangiti si Tisay sa akin habang nakaupo ako sa salas. Nakilala ko narin sa wakas si Nanay Carmen.
"P-Patrick baka makulitan ka kay Erica ha!"
"Okay lang po.Masaya pong kausap si Erica."
"Nanay,good girl naman po ako."
Napatawa si Nanay Carmen sa sinabi ni Erica.
"Doon muna tayo sa tindahan Erica."pag aya nito kay Erica.
Naiwan kami sa salas ni Tisay.
"P-Patrick,kamusta na kayo ni Monique?"
"Hindi ako mag lalakas ng loob na pumunta dito kung kami pa ni Monique.Wala na kaming dalawa.Nag usap narin ang aming mga parents."
"Buti okay lang sa Mama mo?"
Natigilan ako sa sinabi ni Tisay.
"Gusto kita Trish.Kaya wala ng magagawa si Mama sa gusto ko."
Naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Tisay.Naging masaya lagi kwentuhan namin.Hindi ko parin maiwasan na mapatitig sa maganda niyang mukha.Hindi ko alam kung paano ko yayain si Tisay na mag date sa labas.Wala parin akong lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya.
Halos kina Tisay ko na inubos ang aking isang buwan na bakasyon.Masaya ako kapag nasa kanilang bahay dahil palagi kong nakikita at nakakasama si Tisay.
Bago matapos ang aking bakasyon, tinulungan ko si Tisay na makahanap ng condo sa Maynila.Tulad ng kanyang gusto,hindi ito sobrang mahal. Maganda at malapit sa ospital na kanyang pag tatrabahuhan.Tinutulungan ko rin siyang bumili at mag ayos ng kanyang mga gamit.
"P-Patrick, kagagaling ng mga kamay mo baka masugatan ka na naman."
pag aalala sakin ni Tisay habang binubuhat ko ang mga kahon."Don't worry, okay lang ako."
Halos lumukso ang aking puso sa mga pag aalala sa akin ni Tisay.
"P-Patrick, kumain ka muna."
"Thanks.Dito ka na ba matutulog?"
"Nope.Maybe tomorrow.Kukunin ko pa yun ibang gamit ko sa Quezon."
Napatango ako sa sinabi niya.
"Ihahatid kita mamaya pa balik ng Quezon."
"Nope, pagod kana Patrick.Kaya ko ng bumalik ng Quezon."
Hindi ko na ako nag pumilit sa gusto ni Tisay.
Parang may anghel na dumaan sa pagitan naming dalawa.Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya.Hanggang sa napangiti na lamang ako habang pinag mamasdan ko sya.
"Why?May dumi ba ako sa mukha ko?
"W-Wala, ang ganda mo kasi."
Napatungo si Tisay at nakita ko na pinamulahan siya ng mukha.
Bigla siyang tumayo at kumuha ng tubig.Kinakabahan ako! Ang tagal niya sa kusina. Tumayo ako at pinuntahan ko siya.
Nakita kong nakatalikod sya at mahigpit na nakahawak ang kanyang kamay sa gilid ng lababo.Hindi ko alam ang aking gagawin.Ngunit ng humarap na sya nakita kong pinapahid na niya ang kanyang mga luha.
"Hey....are you okay?"pag aalala ko
Nagulat si Tisay ng makita niya ako sa kanyang harapan.
"Napuwing lang ako."
"Let me see!"
Hindi ko napigilan ang aking sarili.Nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kanyang mukha.Tiningnan ko ang kanyang mga mata na napupuno na ng kanyang mga luha.Pinahid ko ang mga luhang unti-unting tumutulo sa kanyang mukha.Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman parang nag uusap ang aming mga mata.
Nag tama ng matagal ang aming mga mata.Kay tagal kong hinintay ang sandaling iyon,na mahawakan kong muli ang kanyang mukha.Ilang taon ko syang hinintay na makita at makasama.Nanginginig ang aking mga kamay ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili.Sinimulan kong halikan ang kanyang noo, mata at ang kanyang labi na kay tagal kong inasam na mahalikan muli.Hindi tumutol si Tisay sa ginawa kong pag halik sa kanyang labi.Banayad at punong-puno ng pag mamahal ang iginawad kong pag halik sa kanyang labi. Tinugon niya ang bawat pag halik ko.Parang unti-unting nabubunot ang mga tinik sa aking dibdib.Gumaan ang aking pakiramdam.Matagal ang sandaling iyon na parang ayaw na naming mag hiwalay.
Habol ang aming hininga ng bumitaw na ang aming mga labi.Niyakap ko sya ng mahigpit.
"I'm always here for you."
"Thanks Patrick."
Sa wakas, na buksan kong muli ang puso ni Tisay.Hinding hindi na ako papayag na mawala syang muli sa buhay ko.Napaka bait talaga ng tadhana at muli kaming pinag tagpo.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romantizm"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."