20.Awkward Moment

68 23 0
                                    




Masayang sinalubong ni Erica si Trisha galing palengke.

"Ate, may pasalubong po ba ako?"tanong nito

Napangiti si Trisha.

"Kalamay lang ang nabili ko eh!"tugon ni Trisha habang isa-isang ibinababa mga kahon.

"Gusto ko din ang kalamay." ngiting tugon nito

Lumapit si Carmen at tinulungan nito ang anak na hakutin sa tindahan ang mga paninda.

"Anak,nahirapan ka ba sa palengke?"tanong nito

"Nay, okay lang po ako." ngiting tugon nito



Tinulungan ni Trisha nag mag ayos sa tindahan ang kanyang Nanay.

Pinag mamasdan niya ang benda sa kanyang kamay.Tinanggal na niya ito ng makita niyang patuyo na ang sugat.Nilagyan na lamang niya ito ng Band Aid.
Biglang pumasok na naman sa isip niya si Patrick.


Hindi na nakakain ng Tanghalian si Trisha, sa sobrang dami ng kalamay na nakain niya.Nag pahinga muna sya at natulog ng ilang oras.



Alas singko ng hapon nag simula ng mag ayos si Trisha ng kanyang sarili.

Pinag mamasdan ni Erica ang ginagawa ni Trisha.

"Ate, saan ka po pupunta?"tanong nito

"May pupuntahan kami ng kaibigan ko."

"Sama ako."

Napangiti si Trisha.

"Hindi ka pa pwede kasi bata ka pa.Pag big girl kana isasama kita kahit saan."paliwanag nito

"Kelan yun?Eh mabagal po akong lumaki."reklamo nito


Kinalong ni Trisha si Erica.

"Dapat lagi kang natutulog ng maaga para lumaki ka."saad nito habang sinusuklay ang buhok ni Erica

"Sige po mamaya maaga akong matutulog."tugon nito

"Good girl."nakangiting saad ni Trisha



Biglang pumasok si Carmen sa kwarto ni Trisha.

"Anak, kumain ka muna bago umalis." pag aya nito

"Nay, busog pa po talaga ako. Ang dami kong nakaing kalamay sa palengke." paliwanag nito

"O sige, mag iingat ka sa pupuntahan mo ha!"

Tumango si Trisha.Isinama na ni Carmen palabas ng kwarto si Erica.





Mga ilang sandali, may bumusina sa tapat ng bahay nila.Sumilip si Trisha sa bintana.
Nakita niya agad ang kotse ni Jeffrey.Nag paalam na si Trisha sa kanyang Nanay at lumabas na kaagad ito ng kanilang bahay.




Masayang-masaya sina Trisha at Samantha sa muli nilang pagkikita.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ni Trisha habang umupo ito sa may Back Seat ng kotse.

"Basta may pupuntahan tayo." nakangiting saad ni Samantha



Walang nagawa si Trisha sa gusto ni Samantha.Binaybay nila ang daan pa labas ng Quezon.Nag iisip si Trisha kung saan ba talaga sila pupunta.Napansin niya ang direksyon na tinatahak nila ay pa punta sa ALABANG.




Biglang nag salita si Jeffrey.

"Mag dinner muna tayo sa resto namin ng Best friend ko ha." pag aya nito




Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon