Pinuntahan ni Sylvia si Monique sa photo shoot nito sa studio.Dumiretso ito sa dressing room.
Mga ilang saglit natapos na ang photo shoot ni Monique.Nagulat ito na makita si Sylvia sa kanyang dressing room.
"Hello there Tita." ngiting saad nito
Humalik si Monique sa pisngi ni Sylvia.
"How are you Monique?"
"Okay lang naman po Tita, on and off busy." ngiting saad nito
Napa buntong hininga si Sylvia.
"Kamusta kayo ni Patrick?"
Napatigil si Monique habang nag tatanggal ng kanyang make-up na nakaharap sa salamin.Napangiti ito.
"Tita, kung hindi lang kayo mag business partner ni Daddy,ayokong maging boyfriend si Patrick." tugon nito
"W-Why?Mabait naman ang anak ko." naka kunot ang noo na saad ni Sylvia
Tumingin si Monique sa salamin.
"Hard to get si Patrick.Cold as ice." mariing saad nito
"Intindihin mo na lang si Patrick." tugon ni Sylvia
Napahinga ng malalim si Monique.
"Moody si Patrick at nakakatakot sya pag nagagalit." paliwanag nito
Napatawa si Sylvia.
"HA HA HA.......sa gwapo ng anak ko matatakot ka?"
Sumimangot naman si Monique.
"Tita, hindi ako caregiver ni Patrick."mariing tugon nito
Napatigil si Sylvia sa kanyang pagtawa.
"W-What do you mean?"
Umirap si Monique at humarap kay Sylvia.
"Kahit anong gawin mo, mahal parin ni Patrick si Tisay."
Nabigla si Sylvia sa sinabi ni Monique.
"P-Paano mo nalaman?"pag tataka nito
"Well, ilang taon na bang joke ang relationship namin?Pag na punta ako sa resto,pinag uusapan lagi nina Patrick at Jeff....... si Tisay." paliwanag nito
Napailing si Sylvia.
"Don't worry kakausapin ko si Patrick."
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."