Nakatapos ng kumanta si Trisha ngunit nanatili paring nakatingin si Patrick sa kanya.Naguguluhan siya,hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
Muling kumanta si Trisha.Mariing ipinikit ni Patrick ang kanyang mga mata. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.Bumalik muli ang mga ala-ala ni Tisay. Naandoon parin ang sakit ng kanilang ala-ala.
Nag palakpakan sina Samantha at Jeffrey ng makatapos kumanta si Trisha.Umupo ito sa tabi ni Patrick ngunit napansin kaagad ni Trisha na naging tahimik ito.
"P-Patrick ayaw mo na bang kumanta?"
Napa iling na lamang si Patrick.
"Enough na yun kanta ko kanina."tugon nito
Kumanta muli si Samantha at Jeffrey.
Napaparami na ang pag inom ni Patrick ng alak.Nagiging malalim na ang usapan nila ni Trisha.
"T-Trish, favorite song mo ba ang Can't take my eyes off you?"
Biglang natigilan si Trisha.Lumagok muna ito ng alak bago sagutin ang tanong ni Patrick.
"H-Ha?........One of my favorite song." tugon nito
"Really?"aniya
"B-Bakit mo naman naitanong?"
"Ummmm...confused lang ako."
Kinabahan si Trisha sa mga sinasabi ni Patrick.Namumula na ang kanyang mukha sa dami ng alak na kanyang nainom.Muling pinag masdan siya ni Patrick.Parang lulubog sya sa kanyang upuan sa mga titig nito sa kanya.
"A-Alam mo bang favorite song yun ng ex ko."utal na saad ni Patrick
Biglang natigilan si Trisha sa kanyang narinig.
"M-Maganda kasi yun song kaya maraming may gusto nun."tugon nito
Inagapan ni Trisha ang mga tanong ni Patrick.
"Ummm......siguro mahilig din kumanta ang ex mo."dugtong nito
Napatingin si Patrick kay Trisha.
"Y-Yap!" mahinang tugon nito
Nilakasan na ni Trisha ang kanyang loob upang kahit papaano'y mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib.
"D-Do you still love her?" utal na tanong nito
Napangiti si Patrick.
"Nasa showbiz ba tayo?"pabirong tugon nito
"May masama ba sa tanong ko?"tugon ni Trisha
Biglang binawi ni Patrick ang kanyang pag tawa at muling ininom ang alak sa kanyang baso.
"H-Hindi ko alam kung dapat ko pang sagutin ang tanong mo?Oo....Mahal ko parin sya pero pinipilit ko syang tanggalin dito sa puso ko dahil ang sakit....sakit na."mariing saad ni Patrick
Parang may bumara sa lalamunan ni Trisha.Hindi niya alam kung ano pa ang kanyang sasabihin kay Patrick.
Muling hinarap ni Patrick si Trisha.
"H-How about you?Wala kang boy friend, maybe hindi ka parin nakaka move on sa ex mo?"saad nito
Napa buntong hininga si Trisha.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romantik"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."