Sunday,day off ng mag aama. Nag simba sila ng maaga.Nakita nila si Carmen na abala sa loob ng simbahan.
Natapos ang misa pinuntahan ng mag aama sa may likod ng simbahan si Carmen.
Kinausap ni Nestor ang asawa.
"Kakain kami sa labas ng mga anak mo baka gusto mong sumama."tanong nito
"Nestor, linggo ngayon maraming gawain dito sa simbahan."paliwanag ni Carmen habang nag aayos sa simbahan.
"Gusto ka naming makasama ngayon Carmen."pakiusap ni Nestor
"H-Hindi nga pwede."giit ni Carmen
Hinawakan ni Nestor ang braso ng asawa.
"H-Hindi ba kami mahalaga sayo?"galit na sabi ni Nestor
Hinarap ni Carmen si Nestor.
"Ano bang sinasabi mo dyan?"saad ni Carmen habang inaalis ang kamay ni Nestor sa kanyang braso.
Lalong tumaas ang boses ni Nestor.
"Kung gusto mo dyan ka na lang tumira sa simbahan."mariing saad nito
"Nestor, masama ba ang ginagawa ko na mag lingkod sa Dios?" tanong ni Carmen
"Hindi ko sinasabing masama ang ginagawa mo.May obligasyon ka samin ng pamilya mo."
"N-Nasa simbahan tayo Nestor. Mag aaway ba tayo dito?"dagdag ni Carmen
Walang nagawa si Nestor kung hindi umalis na lamang.Hindi na nito napilit ang asawa.
"Tatay, ayaw ba talagang sumama ni Nanay?"tanong ni Tisay
"Oo, tayo na lang tatlo."malungkot na tugon ni Nestor
"Hwag na tayong umasa kay Nanay.Kahit kelan wala syang panahon sa atin." inis na saad ni Eric
Kumain sa labas ang mag-aama.Katulad ng dati mamasyal at manood sila ng sine.Pag-uwi nila sa bahay wala parin si Carmen. Nag linis at nag laba si Tisay. Nag-luluto naman sa kusina si Eric. Nasa terrace si Nestor at nag sisimula na itong uminom ng alak.Lumabas si Tisay at lumapit sa kanyang Tatay.
"Tatay, kanta naman po tayo."
"Sige."
Tulad ng kinagawian ng mag ama.Masaya silang sabay na kumakanta.
You're just too good to be true
I can't take my eyes off you 🎶
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much 🎵
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive 🎤
You're just too good to be true 🎶
Can't take my eyes off youPardon the way that I stare 🎼
There's nothing else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak 🎶
But if you feel like I feel
Please let me know that is real
You're just too good to be true 🎤
I can't take my eyes off you........Biglang lumabas si Eric at pumalakpak.
"Ang galing nyo talagang dalawa."
"Kuya ikaw naman."sabay abot ng mic ni Tisay kay Eric
"N-Naku baka mag dilim ang paligid at umulan."pabirong saad ni Eric.
Habang nag-kakasayahan ang mag-aama.Dumating si Carmen.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."