Trisha(Tisay) POV
Masyadong naging mabilis ang pangyayari.Napayakap ako ng mahigpit kay Patrick. Sabik na sabik ako sa kanyang mga yakap at halik.Nasa puso ko parin siya.
Ginamot ng mga halik niya ang mga sugat na iniwan ng nakaraan.Parang ayaw kong bumitaw sa pag kakayakap ko sa kanya.Muling nag salita si Patrick at tumingin sya sa aking mga mata.
"O-Okay ka lang ba talaga?"
"Yap.....Kissipirin at yakapsul lang pala ang gamot."
Napatawa si Patrick sa aking sinabi.
"Gusto mo ng take two?"
Tinapunan ko sya ng tingin.
"Hey.....baka gabihin ako sa pag uwi."
Napalitan ng tawanan ang seryoso naming usapan ni Patrick.
Naayos na naming mabuti ang aking mga gamit sa condo.Gusto akong ihatid ni Patrick pabalik ng Quezon ngunit hindi na ako pumayag.Sa pag hihiwalay naming dalawa ni Patrick sa parking lot, ayaw niyang bitawan ang aking kamay.Muli niya akong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.
"Take care okay."
"O-Okay."
Sabay kaming sumakay sa aming kotse.Sinabayan parin ako ni Patrick hanggang sa makalabas ako ng Alabang.Napapangiti ako sa kanya.
Binaybay ko ang daan pabalik ng Quezon.Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa naging estado ng relasyon namin ni Patrick.Napapakagat ako sa aking labi ramdam ko parin ang kanyang mga halik.
Maraming tanong sa aking isipan ngunit natatalo ito ng pagmamahal ko kay Patrick.Ayoko ng mawala sya sa buhay ko ngunit paano kung mag krus muli ang landas namin ng Mama ni Patrick? Naguguluhan ako habang papauwi ng Quezon.
Hating gabi na ng makauwi ako sa bahay namin.Nakita ko si Nanay sa salas.
"N-Nay, bakit gising pa kayo?"
"Iniitay talaga kita.Kamusta ang lakad ninyo ni Patrick?"
"Okay na po!Naayos narin namin ang mga gamit ko."
Napatingin sa akin si Nanay.
"Kayo na ba ulit ni Patrick?"
Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Nanay.
"Natatakot po ako Nay,baka maging problema na naman namin ang Mama ni Patrick."
"Ngayon ka pa ba matatakot? Hahayaan mo bang mawala na naman si Patrick?"
"Naguguluhan po ako Nay."
Hinawakan ni Nanay ang aking kamay.
"Hwag kang matakot at maguluhan.Nakikita ko kay Patrick na Mahal na Mahal ka nya at alam na niya ang totoo."
Nagulat ako sa sinabi ni Nanay.
"A-Alam na po ni Patrick?Paano nya po nalaman?"
"Basta!Nararamdaman kong alam na nya."
Hanggang sa pag tulog ko iniisip ko parin ang sinabi ni Nanay.Paano nga ba kung alam na talaga ni Patrick ang totoo?
Kinabukasan naging abala kami ni Nanay sa pag hahanda sa kaarawan ni Tatay. Hindi ko na sinabi kay Patrick dahil hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoo.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."