Nakailang hakbang na si Trisha pa punta sa kanilang bahay ng biglang may lumabas na batang babae,mula sa loob ng kanilang bahay.Nasa idad na pitong taong gulang na ito.Napatingin ito kay Trisha.
Biglang pumasok sa isipan ni Trisha na baka nag asawang muli ang kanyang Nanay.
Lumapit ang bata kay Trisha."Sino po kayo?" tanong nito
Napangiti si Trisha.
"A-Anong pangalan mo?"
Napatingin ng matagal ang bata kay Trisha.
"Ako po si Erica."tugon nito
Mga ilang saglit lumabas na ang Nanay ni Trisha.
"E-ERICA!" sigaw nito
Nabigla si Carmen ng makita nito ang kanyang anak na si Trisha.Nanginginig ang buo niyang katawan.Unti-unting ng namumuo ang kanyang luha sa sobrang kaligayan na nasilayan muli niya ang kanyang anak.
Napatakbo si Carmen at kaagad niyang niyakap ng mahigpit si Trisha.
"A-Ang anak ko.....salamat po mahal naming dios at hindi mo po siya pinabayaan!Mahal na mahal kita anak." iyak saad nito
Napayakap ng mahigpit si Trisha sa kanyang Nanay.Hindi na niya napigilan ang kanyang pag iyak.
"N-Nanay." iyak na saad nito
Biglang hinila ng bata ang damit ni Carmen.
"Nanay, bakit po naiyak kayo?"tanong nito
Kumalas sa pag kakayakap si Carmen at pinahid ang kanyang luha.
"E-Erica, siya ang iyong kapatid.... si ate Tisay." nakangiting tugon nito
"Tisay?May ate ako?" pagtataka nito
Napangiti ang bata at yumakap kay Trisha.
"Ate, anong pasalubong mo sa akin?" tanong nito
Napangiti si Trisha.
"Erica, pwedeng pumasok muna tayo sa loob?" ngiting tugon nito
Hinila si Trisha ng bata papasok sa loob ng kanilang bahay.Napahinga ng malalim si Trisha ng makatungtong na ang kanyang mga paa sa loob ng kanilang bahay.
Gumala ang kanyang mga mata.Marami na ang naging pagbabago.Ipinagawa na ito ng kanyang Nanay.Hinawak ni Trisha ang kanilang Family Pictures at niyakap niya ito ng mahigpit. Muli na namang pumatak ang kanyang mga luha.Naalala na naman niya ang kanyang Tatay at Kuya.
Habang nag hahanda ng pagkain si Carmen,kinulit naman si Trisha ni Erica.
"Ate, manood tayo ng TV." ngiting saad nito
Kinuha ni Trisha ang remote control at binuksan ni Trisha ang TV.
Mga ilang sandali, binuksan niya ang kanyang hand carry bag at kumuha ng chocolate.Ibinigay niya ito kay Erica.
Tuwang-tuwa si Erica.
"W-Wow, chocolate....salamat ate." ngiting saad nito
Habang busy sa panonood ng TV at pagkain ng chocolate si Erica.Pinuntahan ni Trisha ang kanyang Nanay sa kusina.
"N-Nanay, sino po si Erica?"
Napatigil sa kanyang ginagawa si Carmen at napahinga sya ng malalim.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."