Pinag mamasdan ni Trisha ang kanyang kamay na may benda habang nasa opisina sila ng Toyota Alabang.Hindi parin niya inaasahan na muli silang magkikita ni Patrick.Napapikit siya, dinadama parin niya ang pag kakahawak ni Patrick sa kanyang kamay.
Mga ilang sandali nilapitan siya ng kanyang Tita Lorna.
"Trisha, halika may mga pipirmahan ka dito."sabay turo nito sa mga dala niyang dokumento
Naging maayos ang pag bili ni Trisha ng sasakyan.Sa susunod na buwan na niya ito makukuha.Malaki rin ang naipon ni Trisha sa pag ta-trabaho sa ibang bansa kung kaya't kaya na niyang bumili ng bagong sasakyan.
Binagtas muli ng mag tiyahin ang pag balik sa Quezon.
Hating gabi na sila nakauwi.Nakita ni Trisha ang kanyang Nanay na nasa salas.
Nag mano ito!"Ginabi na kayo anak." saad ni Carmen
Umupo si Trisha sa tabi ng kanyang Nanay.
"Marami pa pong inayos na papel Nay.Tinulungan naman po ako ni Tita."tugon nito
Napansin ni Carmen ang benda sa kamay ni Trisha.
"A-Anong nangyari sa kamay mo?"pag aalala nito
"May nabasag po kasi ako sa restaurant, pero maliit na sugat lang naman po ito."
Napahinga ng malalim si Carmen.
"Kumain ka na ba? Nakatulog na si Erica sa pag iintay sayo."saad nito
"Busog po ako Nay. Eto may pasalubong po ako kay Erica."
"Salamat,matutuwa yun bukas.Mag pahinga kana ilalagay ko lang ito sa ref."
Dumiretso si Trisha sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama.Pinagmamasdan niya ang kisame.Mukha parin ni Patrick ang kanyang nakikita.
Bigla siyang bumangon sa kanyang pag kakahiga.Kinuha niya ang kanyang Bag at hinanap ang panyong ibinigay sa kanya ni Patrick.Napangiti siya ng makita niya ito.
Hinawak niya ito at inamoy.Nalalanghap niya ang pabango ni Patrick.Unti-unti na namang namumuo ang kanyang mga luha.Si Patrick parin ang isinisigaw ng kanyang puso.Hindi na namalayan ni Trisha na nakatulog na pala siya.Sikat na ang araw ng tumingin siya sa bintana.Napatawa siya ng makita niyang hawak parin niya ang panyo ni Patrick.Nag madali siyang bumangon at nag banat ng kanyang buto.Nag bihis siya sandali at lumabas na ng kwarto.Nag punta siya sa kusina.Nagulat siya ng makita niya si Erica, puno na ng cake ang pisngi nito.
"Ate, ang sarap ng pasalubong mong cake."ngiting saad nito
Kumuha ng towel si Trisha at tinanggal ang cake sa pisngi ni Erica.
"Masarap ba?Nag almusal kana ba?"tanong nito
"Opo, sabay kami ni Nanay kanina.Kain kana po....tabi tayo." ngiting tugon ni Erica
Napangiti si Trisha.Tumabi ito kay Erica at nag timpla ng kape.
Mga ilang sandali biglang may tumawag sa phone ni Trisha.
*ring*
Samantha calling...
"Hello."-t
"Hello Trish."-s
"Sam, kamusta?"-t
"Busy ka ba?"-s
"Hindi naman.Andito lang ako sa bahay."-t
"So, available ka pala?"-s
"Yap!"-t
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."