Umalis si Eric na masama ang loob sa kanyang Nanay.Nag punta kaagad ito sa mansion.
Nakita siya ni Tisay at masayang lumapit dito.
"Kuya, nasaan na yun pera natin?Bibili na ako mamaya ng gift para kay Tatay." tanong ni Tisay
Hindi kaagad nakasagot si Eric.Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kapatid. Napansin ni Tisay ang lungkot sa mga mata ng kanyang Kuya.
"B-Bakit kuya?"tanong ni Tisay
"W-Wala na yun perang inipon natin.Kinuha ni Nanay."malungkot na tugon ni Eric
Natigilan si Tisay at unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.
"S-Saan ginamit ni Nanay yun pera?"
"Sa simbahan daw."
"Lagi na lang sa simbahan. Hindi ba mahalaga si Tatay sa kanya?"iyak na saad ni Tisay
Narinig ni Sylvia ang usapan ng mag kapatid at lumapit ito.
"Hwag ka ng umiyak Tisay. Dito natin i-celebrate ang Birthday ng Tatay nyo." saad ni Sylvia.
Pinahid ni Tisay ang kanyang luha.
"N-Naku, hwag na po....nakakahiya po."saad ni Tisay
"Okay lang.Pamilya na tayo dito."tugon nito
Natuwa ang mag kapatid sa sinabi ni Sylvia. Pinuntahan naman ni Tisay si Patrick sa kwarto nito.Tahimik parin si Patrick habang nakahiga sa kanyang kama.
"B-Baby Pat, kausapin mo naman ako."pakiusap ni Tisay habang papalapit kay Patrick
"Wala ako sa mood!"pag tatampo nito
"S-Sige ka bukas mag bo boyfriend na ako." saad ni Tisay
Nagulat si Patrick sa kanyang narinig.Bumalikwas ito sa kanyang higaan.
"H-Ha? Ang bilis naman."gulat na saad nito
"Yun ang gusto mo di ba?"tugon ni Tisay
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." paliwanag ni Patrick
Kinuha ni Tisay ang stick ni Patrick at iniabot dito.
"Hwag kang mag isip ng kung ano.Ikaw muna ang Baby ko ngayon."ngiting saad ni Tisay
Natuwa si Patrick sa sinabi ni Tisay.
"T-Talaga?"
"Oo naman."aniya
Biglang niyakap ni Patrick si Tisay.Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso.
"Sana Tisay hwag kang mag sawa na alagaan ako."saad ni Eric habang nakayakap ito kay Tisay
"O-Oo naman basta good boy lagi ang Baby Pat ko. Promise?"tugon ni Tisay
"Promise yan ha!"ngiting tugon ni Patrick
"Oo nga!Halika, tulungan natin sa kusina si Aling Loleng. Birthday ni Tatay ngayon.Sabi ng Mama mo dito kami mag di-dinner."ngiting saad ni Tisay.
Tuwang-tuwa si Patrick habang inaalalayan ni Tisay pa punta sa kusina.
"Aling Loleng, gusto ko po ako ang mag be-bake ng cake."saad ni Patrick
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."