Nakapamili ng mga damit sina Trisha at Samantha.Parang isinukat lang sa dalawa ang mga napili nilang damit.
Nag linis muna sila ng condo ni Patrick bago sila umalis.
Habang nasa sasakyan napatingin si Patrick kay Trisha.
"Hope to see you again Trish."saad ni Patrick
"Maybe next month pag nakuha ko yun kotse ko.Puntahan kita sa resto mo." ngiting tugon ni Trisha
"Promise yan ha!"
Napatango si Trisha.
"P-Patrick, thanks dito sa dress ha!"
"Bagay sayo.......lalo kang gumanda" ngiting tugon ni Patrick
Pinamulahan ng mukha si Trisha.Hindi siya makatingin ng diretso kay Patrick.
Mga ilang sandali,nasa resto na sila.Bumaba ng sasakyan sina Patrick at Jeffrey.
"Wait lang tutulungan ko munang mag open ng resto si Patrick."
"Okay Hon."tugon ni Samantha
Naiwan sa sasakyan sina Samantha at Trisha.
Habol parin ng tingin ni Trisha si Patrick.
"T-Trish, sobrang close na kayo ni Patrick ah!"nakangiting saad nito
"Hindi naman masyado."tugon nito
Napatawa si Samantha.
"Pinahirapan mo si Patrick kagabi.Next time hwag ka ng mag iinom ng marami ha!"
"O-Oo, nahihiya nga ako sa kanya eh!"tugon ni Trisha
"What if...... ligawan ka nya?"tanong ni Samantha
Napatingin sa malayo si Trisha.
"May girlfriend na sya Sam."
"Sabi ni Jeffrey hindi daw gusto ni Patrick yun girlfriend nya ngayon.Kaya may chance ka Trish." mariing saad ni Samantha
"SHIII...ang ingay mo."
Napangiti si Samantha.
"Grabe si Patrick sobrang mahal na mahal ang ex nya."saad nito
Natigilan si Trisha.Biglang iniba niya ang kanilang usapan ni Samantha.
"So....anong plan mo?Sa next month baka bumalik ako dito sa manila.Mag e-enquire ako ng clinic sa Hospital."
"Isama mo naman ako Trish, gusto ko mag kasama parin tayo sa iisang clinic."
"Okay, pero mag check din ako sa hospital sa Quezon.Gusto ko rin na mag karoon ng clinic don."
Napatango si Samantha.
"Sa manila na lang ako Trish, gusto kong mag kasama kami ni Jeffrey."
"Okay."aniya
Bumaba ng sasakyan si Trisha.Bumili muna siya ng pasalubong para kay Erica.
Sabay na bumalik ng sasakyan sina Trisha at Jeffrey.Kumaway na lang si Patrick habang paalis na ang mga ito.Naging abala si Patrick sa pag luluto.Marami ng costumer ang kanyang resto.
Mga ilang sandali,dumating na si Monique.Nakita agad ito ni Patrick.
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."