11. New Journey

94 23 1
                                    






Trisha Martin's (a.k.a Tisay) POV



Australia



Trisha Martin .Ito na ngayon ang pangalan ko.Pinilit kong sumabay sa agos ng panahon at makisama sa mga taong nakapaligid sakin.Malaki ang ipanag kaiba ng kultura nila kaysa sa Pilipinas.Madalas kong napapanaginipan ang aking pamilya lalo na si Patrick.Masakit at mahirap ang aking pinag daanan sa aking nakaraan.Pero pinilit kong bumangon at simulan ang aking panibagong buhay.Sinuportahan at tinulungan ako ng Martin Family Foundation.Isa itong Foundation na sumusuporta sa mga nag-aaral ng Medicine.Marami akong nakilala at naging kaibigan.Si Samantha na isa ding Filipino.


"Sam,mag break muna tayo."pag aya ko



Nag punta kami sa kalapit na Coffee Shop.

"Trish, ano sa tingin mo kaya ba nating maging doktor?" tanong ni Samantha

"Yap,basta mag-aral tayong mabuti."mabilis  kong tugon

"Mabuti may mga ganitong Foundation sa ibang bansa.Sinong nag sponsor sayo dito?"saad ni Samatha


Napahinga ako ng malalim.Lumagok muna ako ng kape.

"A-Ang amo ko.Caregiver kasi ako dati."tugon ko

"Wow, ang yaman siguro ng amo mo?" aniya


Napatango ako sa kanyang sinabi.

"Ikaw Sam, sino ang nag sponsor sayo?" 


Napatigil si Samantha sa pag inom ng kape.

"Trish, isang madre ang nag sponsor sakin. Galing ako sa orphanage."malungkot na saad nito.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Samantha.Mas malungkot pa pala ang buhay niya kaysa sa akin.


Iniba niya ang usapan namin.

"May boyfriend ka ba sa Pilipinas?" tanong nito

"W-Wala......Ikaw?"mabilis kong tugon

"Meron Jeffrey ang kanyang pangalan.Mahirap ang Long Distance Relationship.Sana kaya niyang mag intay ng matagal."malungkot na tugon ni Samantha

"Hwag ka ng malungkot.Kung mahal ka talaga niya.....mag iintay sya di ba." paliwanag ko





Maganda at masaya ang pag kakaibigan namin ni Samantha.Naging masipag at matyaga kami sa pag aaral.Wala naring akong oras para sa mga lalaking nag kakagusto sa akin.Parang nakasara na ang puso ko at hindi ko na kayang mag mahal pang muli.

Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon