Pinag hahandaan nina Trisha(Tisay) at Samantha ang pag uwi nila sa Pilipinas sa darating na lunes.Naging abala ang dalawa.Maraming gumugulo sa isipan ni Trisha. Napansin naman ito ni Samantha.
"Trish,may problema ka ba?"
Napahinga ng malalim si Trisha.
"Wala.....sobrang excited na akong umuwi pero parang hindi ko pa kayang harapin ang dating nakaraan ko."paliwanag nito
Inakbayan ni Samantha si Trisha.
"Trish,sabay tayong pumunta dito....sabay din tayong uuwi sa Pilipinas.Hwag kang matakot na harapin ang kahapon mo." mariing tugon nito
Napapaluha si Trisha ngunit pinipigilan niya ito.Ngumiti si Samantha.
"Cheer up!Marami pa tayong aayusin."ngiting saad nito
Habang nag aayos ng gamit ang dalawa,napatingin si Tisay sa kanyang wallet. Naandoon ang pictures ng buong pamilya nila at ni Patrick.Biglang lumapit si Samantha kaya itinago agad ito ni Trisha.
"Mag break muna tayo, nakakapagod mag ayos ng gamit." pag aya nito
Nag luto si Samantha ng paborito nitong hot cake.
"W-Wow....favorite mo talaga ang hot cake." masayang saad ni Trisha
"Eto kasi yun laging dinadala sakin ni Jeff pag nasa simbahan ako ng maaga." tugon nito.
Napangiti si Trisha.
"Siya ba ang susundo sayo?" tanong nito
"O-Oo,wala naman akong pamilya kundi sya lang at si mother Lisa.Hindi ko alam kung nasaan ang tunay kong pamilya." malungkot na saad nito
Napatigil si Trisha sa kanyang pag kain.
"Parehas tayong lumaki sa Quezon, pero dito tayo nag kita at nag kakilala." pag lalahad nito
"Oo nga." tugon ni Samantha habang sarap na sarap ito sa kanyang pag kain
Napangiti si Trisha.
"Baka pag balik natin sa Pinas, ayain ka ni Jeff mag pakasal." saad nito
"Wala namang problema sakin.Gusto ko naring mag karoon ng pamilya." masayang tugon nito
Nang makatapos na silang kumain.Bumalik na muli sila sa kanilang mga ginagawa. Napatingin si Trisha sa bintana ng condo nila. Nag sisimula na naman ang pag bagsak ng mga maliliit na snow.Natutuwa siya pag pinag mamasdan ito.Naalala niya ang kanyang Kuya Eric noong bata pa sila. Pinag laruan nila ang unan hanggang sa mabutas ito at lumabas ang mga bulak sa loob.
Napapikit siya at napahawak sa kanyang dibdib.Hindi niya napigilan ang kanyang pag luha.
"Tatay....Kuya, magkikita na ulit tayo."
Naayos na lahat nina Trisha at Samantha ang kanilang gamit.Nag aya naman pumunta sa salon si Samatha.
"Trish, punta naman tayo sa Salon." pag aya nito
"Okay, mapapaganda ba tayo?"ngiting tugon nito
Napangiti ni Samantha.
"Oo, gusto ko pag nag kita kami ni Jeff....magandang-maganda ako."masayang saad nito
"Maganda ka naman ah."
"Basta......let's go para makabalik agad tayo." nag mamadaling pag aya nito
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."