Habang binabaybay ni Trisha ang daan pabalik ng Quezon,hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Patrick.Mahal parin niya ito.Ngunit kailangan niyang umiwas upang hindi na muling mag krus ang landas nila ni Sylvia.
Hapon na siya nakabalik ng Quezon.Bumaba si Trisha ng kanyang kotse at binuksan ang gate nila.
Tuwang-tuwa si Erica at si Carmen ng makita nila ang bagong kotse ni Trisha.
Ipinarada ito ni Trisha malapit sa kanilang terrace."Wow ate, ang ganda naman ng kotse mo."masayang saad ni Erica
"O-Oo nga anak! Siguro napaka mahal nito." dugtong ni Carmen
"May magagamit na ako Nay,pag nag start na akong mag trabaho."
Napapaluha si Carmen sa sinabi ni Trisha.
"Anak, hwag panay trabaho.Maging masaya ka din sana para sarili mo.Matanda na din naman ako.Gusto kong mag karoon kana ng sarili mong pamilya." paliwanag nito
Napangiti si Trisha.
"N-Nay parang napakadaling mag asawa."
Hinawakan ni Carmen ang kamay ni Trisha.
"Hwag ka munang mag trabaho.Mag enjoy ka muna saOkayasyon mo.Malapit na ang kaarwan Tatay mo."
Natigilan si Trisha, nawala sa isip niya ang kaarawan ng kanyang Tatay.
"Oo nga pala Nay, malapit na ang Birthday ni Tatay.Sige po pag handaan natin." masayang tugon nito
Naging abala si Trisha sa pag papagawa ng garahe nila.
Samantalang nag e-empake na si Patrick ng kanyang mga damit.Excited na siya sa kanyang pag uwi sa Quezon.Hindi na siya nag paalam sa kanyang Mama upang wala ng sabagal sa mga gusto niyang gawin.
Binagtas niya ang daan pa punta ng Quezon.Iniisip niya kung kailan ba siya huling umuwi ng Quezon.Lagi kasi siyang pinipigilan ng kanyang Mama sa tuwing uuwi siya ng Quezon.Masaya siya sa kanyang pag babalik dahil madadalaw na niya ang kanyang Papa.
Hapon na nakarating ng Quezon si Patrick.Masayang-masaya ito ng makita na niya ang kanilang mansion. Pinag buksan siya ng gate ng mga caretaker doon.
Biglang bumalik muli ang mga ala-ala ng mga nakaraan nila ni Tisay.Mula sa terrace hanggang pag pasok niya sa loob ng mansion, si Tisay parin ang kanyang naalala. Walang paring ipinag bago ang mansion.Nag mamadali siyang umakyat at tinungo ang kanyang kwarto.Pag bukas niya ng pintuan iginala niya ang kanyang mga mata. Naandoon parin ang mga luma niyang gamit.Napaupo siya sa kanyang kama.Biglang pumasok ang isang matandang babae.
"Sir, eto na po ang mga gamit ninyo.Kumain muna po kayo.May pag kain na po sa baba."
"Salamat po.Ano pong pangalan ninyo?"
"Aling Perla na lang ang itiwag mo sir sa akin."
Napatango si Patrick.
"Aling Perla, kilala nyo ba si Aling Loleng?"tanong nito
"O-Opo bakit nyo naitanong?"
"San na po sya nag ta-trabaho ngayon at saan po sya nakatira?"
Natigilan si Aling Perla.Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Patrick.
"H-Hindi ko alam kung saan sya nag tatrabaho ngayon.Pero ang alam ko sir malapit lang sa palengke ang bahay nila."paliwanag nito
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)
Romance"It's Not The Goodbye That Hurts, But The Flashbacks That Follow."