9.Pain

92 24 0
                                    










Nanginginig ang buong katawan ni Tisay.Nag mamadali itong sumakay sa tricycle ni Mang Carding.



"D-Dios ko po.....hwag mo pong pa babayaan sina Tatay at Kuya."panalangin ni Tisay









Nag kakagulo na ang mga tao ng dumating si Tisay.Dumating kaagad ang ambulansya.

 Naipit ng truck ang tricyle.Nakita ni Tisay na kinukuha sa ilalim ng truck ang kanyang Tatay at Kuya. Duguan ang mga ito.Patay agad ang tricycle driver.Nanginginig ang katawan ni Tisay sa kanyang nakikita.Walang patid ang kanyang pagluha.Sumigaw siya ng malakas.

"T-TATAY...... K-KUYA......" sigaw nito





Habang sakay ng ambulasya.Agaw buhay ang Tatay at kapatid ni Tisay.Hindi maintindihan ni Tisay ang kanyang gagawin.Halos matuyuan ang kanyang lalamunan sa kanyang pag sigaw.

Sa Emergency Room binawian agad ng buhay si Nestor.Halos panawan siya ng ulirat.Parang gumuho ang kanyang mundo sa pag kawala ng kanyang Tatay.Biglang dumating ang kanyang Naynay.

"N-NESTOR......." sigaw ni Carmen

Galit na galit si Tisay sa kanyang Nanay.

"K-Kung hindi nyo sana sila inutusang mag dala ng bulaklak.....hindi mangyayari ito sa kanila." malakas na sigaw ni Tisay



Nilapitan si Tisay ng kanyang Nanay.Ngunit nilayuan siya nito.Pinuntahan ni Tisay ang kanyang Kuya.Nag aagaw buhay na ito.

"K-KUYA,HWAG MO AKONG IIWAN!"pakiusap ni Tisay habang nakahawak sa kamay ng kanyang kapatid.



Kahit hirap na hirap na si Eric.Pinipilit parin nitong mag salita.

"T-Tawagan mo si Ma'am Sylvia."mahinang saad nito

Namilog ang mata ni Tisay ng mag salita ang kanyang Kuya.

"K-KUYA?"

"K-Kung ano man ang mangyari sakin..... ibigay mo kay Patrick aking mga mata." mahinang tugon ni Eric

Lalong nang hina si Tisay sa mga sinasabi ng kanyang Kuya Eric.

"K-KUYA......HWAG MO AKONG IIWAN PLEASEEEEEE." iyak na saad ni Tisay habang nakahawak sa duguang kamay ng kanyang kapatid.



Nangangatal ang mga kamay ni Tisay habang tinatawagan niya si Sylvia.Pinilit ng mga doktor na sagipin ang buhay ni Eric ngunit nabigo sila.Bago pa dumating si Sylvia binawian na ng buhay sa Emergency Room si Eric. 

Naka upo sa isang sulok si Tisay. Tulala at hindi na makapag salita. Nilapitan ito ni Sylvia at niyakap.

"T-Tisay." pag aalala ni Sylvia

"M-Ma'am.......wala na po si Tatay at kuya." nangangatal na saad ni Tisay



Niyakap ng mahigpit ni Sylvia si Tisay.

"Hwag kang mag alala hindi kita pababayaan."saad nito



Walang patid ang pag luha ni Tisay.Naalala niya ang bilin ng kanyang Kuya.

"M-Ma'am, may sinabi po si Kuya bago siya mamatay.Gusto niyang ibigay ang kanyang mga mata kay Patrick."

Natigilan si Sylvia.

"H-HA?"



Parang nabunutan ng tinik si Sylvia sa kanyang narinig.Tinawagan agad nito si Aling Loleng para ipahatid si Patrick sa Ospital.



Can't Take My Eyes Off You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon