Painfully Hurt

45 8 0
                                    

Frezz's pov

Nakakaasar naman yung lalaki kanina. Umalis ako at pumunta sa school since malapit na rin ang afternoon classes, umupo na lang ako sa isang bench sa campus hall.

Bigla kong nakita ang boyfriend ko na si James. Pero nakita kong may kasama siyang iba. Nilapitan ko siya at sinampal.

" Grabe ka naman James! Nawala lang ako meron ka nang ibang kasama! " Halos pumatak yung luha ko pero pinunasan ko ito.

" Frezz, It's not what it looks like. Kasi...."

" Anong Its not what it looks like? Nakahawak yung mga kamay niyo at daig niyo pa ang magboyfriend na hindi nagkita ng 10 taon. Hindi na nga kayo makapaghiwalay eh. "

" Frezz, I am sorry. "

" Babe, you are mine now. She's not worthy of your love. I am sorry miss but its true. " Epal ng bago niyang girlfriend.

" Sorry niyo mukha niyo! "  Umalis ako ng luhaan. Lumayo ako ng lumayo hanggang hindi ko na siya makita.

Umupo ako sa isang bench at nagsimula nang umiyak.

Nang may bigla akong nakitang anino sa harap ko. " James, ok lang. Mahal mo siya. Kaya ok lang ako. " Maiyak- iyak pa ako.

" Sinong James? Huwag mo na siyang iyakan Fezz. " Tanong ng lalaking nasa harap ko at inabutan pa ako ng bulaklak.

Tumingala ako at pagkakita ko...

Yung lalaki sa restaurant!

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon